Patay ang isang drug personality matapos na ito ay pagbabarilin ng anim na armadong kalalakihan habang natutulog sa kanyang bahay sa Barangay Ipilan, Tayabas City, Quezon kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Carlos Caballe Zafranco, 49, residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa imbestigasyon ng Tayabas City Police, dakong alas-11:30 ng gabi, habang natutulog ang biktima sa kanyang bahay nang dumating ang anim na suspek at saka winasak ang pinto at malapitang pinagbabaril ang biktima sa ulo na agad nitong ikinasawi.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril sakay ng motorsiklo.