Patay ang isang lalaki matapos na ito ay pagsasaksakin ng kanyang kaalitan habang naglalaba sa Barangay Bislian, Polillo, Quezon kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Santos Ambal Lucernas, 51-anyos.
Batay sa report ng Polillo police, naglalaba ng kanyang damit sa ilog ang biktima ng dumating ang suspek na si Wenie Urgelles Leynes, 53-anyos.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo umano ang dalawa hinggil sa matagal na nilang alitan hanggang sa humantong sa pananaksak ng suspek kay Lucernas sa ibat ibang bahagi ng katawan na kaagad nitong ikinasawi.
Kusang loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek matapos ang krimen.