Hindi na nagawang tapusin ng isang lalaki ang pagkain ng tanghalian nang pagbabarilin ito ng hindi nakilalang suspek sa Infanta, Quezon kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ang biktima na si Jun Acolana Buenaventura, 41, ng Purok Parola Barangay Dinahican, Infanta, Quezon.
Batay sa report, bandang ala-una ng tanghali, kumakain ng tanghalian ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang dumating ang suspek na nakasuot ng camouflage cap at nakamaskara ng itim sakay ng isang motorsiklo.
Hindi na nakapagtanong pa ang biktima at binaril na ito ng suspek ng ilang beses na tumama sa mukha na agad nitong ikinasawi.
Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.