LaLiga balik aksiyon

Isang bagong inisyatiba ng LaLiga (Campeonato Nacional de Liga de Primera Division) na makakasama ang fans sa buong mundo at magsiguro na madadama ang kanilang presensiya kahit na idaraos lang muna ang mga labanan behind closed doors.

Lahat ng LaLiga clubs magsisimula ng kanilang full group training sa darating na Lunes.

Kaya naman inaasahan na ang siguradong pagbabalik ng pangunahing men’s professional soccer sa Spain.

Kinumpirma ito ni Javier Tebas sa isang interview ng El Partidazo #VolverEsGanar show sa Movistar, ang LaLiga broadcaster sa bansa.

Inihayag din ng LaLiga president na magkakaroon ng mga laro kada araw sa buong linggo kung saan ang kick-off times ay para sa una at ikalawang matchday.

“No end of excitement awaits us in the coming days, with clashes such as Athletic Club vs Atletico de Madrid and the Valencia derby, pitting Valencia CF against Levante UD, set to be played on the first matchday back following the competition’s restart,” sabi ng opisyal.

Idinagdag ng pangulo ng LaLiga, na isang proyektong para sa LaLiga fans sa bawat laro ang itatampok din. Makikita ang paghihiyawan ng fans sa buong mundo na isasagawa sa stadiums kada 20th minute ng laro.

Ilan pa sa ibinalita ni Tebas ay ang pag-aanunsiyo ng official kick-off times sa first at second matchdays, at ang kumpirmasyon na may tatlong time slots sa labanan na puwede base sa kondisyon ng panahon. Mahigit sa 40 LaLiga Santander at LaLiga SmartBank games ang nakaplano kada linggo.

Una rito ang Sevilla FC vs Real Betis sa Huwwebes, Hunyo 11 ng alas-10 nang gabi, at ang kick off Matchday 28 ng LaLiga Santander na Elche C.F vs Extremadura UD, CF Fuenlabrada vs CD Tenerife at ang Málaga CF vs SD Huesca.

Ang kick off ng Matchday 32 sa LaLiga SmartBank ay sa Biyernes, Hun. 12 naman. (Lito Oredo)