Sina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga guest sa Broadway Boys in Concert kahapon sa ‘Eat Bulaga’ kaya sobrang happy ang AlDub Nation.

Tampok ang mga kanta mula sa musical film na ‘Grease’ na sina Alden & Maine ay nag-sing and dance ala John Travolta and Olivia Newton-John.

Nag-3rd anniversary ang AlDub loveteam nu’ng July 16 pero walang selebrasyon, so parang ito na ‘yung post-celebration ng dalawa.

Kaya ayun, ‘yung hashtag na #ALDUBWithBroadwayBoys ay umabot na naman ng milyones angmga tweet kahapon.

Kinilig na naman ang audience sa mga paswit nina Tisoy at Menggay habang umaawit ng ‘You’re the One That I Want’, ‘Summer Nights’ at ‘We Go Together’.

Tilian ang mga nasa studio sa mga buhatan, holding­ hands at hawakan sa bewang ng dalawa.

Pansin lang namin na parang nag-iba na ang sweetness ng AlDub at tila nabawasan na. Hindi na rin katulad nu’ng mga dati nilang lambingan at harutan­ na patok na patok sa mga fan.

Sa Guhit Bulaga segment ay naka-drawing in tandem ni Alden si Maine, kaya hiyawan ulit ang mga nasa studio.

Magkatali ang mga kamay ng dalawa habang nagdo-drawing ng pinahuhulaan. Sumi­gaw ng “Kiss!” ang ibang dabarkads, pero dedma ang AlDub.

Parang tapos na ang da­lawa sa mga pagpapakyut at pagpapakilig, ibang level na ang kanilang tandem.

Si Maine ay kasama next Saturday ng JoWaPao sa first horror-comedy telemovie ng ‘Eat Bulaga’ na ‘Pamana’ na ididirek ni Ariel ‘Jose’ Manalo mula sa TBJ (The Barangay Jokers) Films. Marami raw special guest, so baka ka-join din si Alden.

Sa July 30 ay simula na ng pagbabalik-primetime ni Alden sa ‘Victor Magtanggol’ na papalit sa magtatapos na ‘The Cure’.

Chai winelcome si John Lloyd sa Cebu

Welcome to Cebu!” ang message ng Cebuana actress na si Chai Fonacier kay John Lloyd Cruz na based na ngayon sa Cebu City.

Kung si Chai kasi ay nami-miss na ang Cebu dahil dito na siya based sa Manila, si John Lloyd naman ay iniwan ang Maynila para manirahan sa Cebu.

In fact, parang Cebuano na ngayon si Lloydie, na nakikitang nagba-bike around the city at nagpapagupit sa maliit na barberya roon.

Hindi nasundan ni Chai ang kuwento ni Lloydie, pero natutuwa siya na mukhang masaya roon ang aktor. Hindi rin nakilala ni Chai ang taga-Cebu na nobya ni JL na si Ellen Adarna dahil magkaiba raw ang circles nila.
Ang feeling ng mahusay na character actress, may mga nadi-discover ngayon si Lloydie doon sa Cebu na katulad din ng mga natutuklasan niya ngayon dito sa Manila.

Ang malaking pagkakaiba lang nila ay nandito si Chai sa Manila for work habang si John Lloyd ay nag-Cebu for love.

Sa Cagayan de Oro ipinanganak si Chai, pero sa Cebu siya namulat sa buhay nu’ng lumipat siya roon. Naiinggit siya sa mga kaibigan niyang nandu’n, pero gusto niyang mag-contri­bute sa Cebu kaya pumunta ng Manila para magtrabaho at matuto.

Sobra kaming nagali­ngan kay Chai sa indie films na ‘Respeto’ at ‘Patay Na Si Hesus’ na parehong nagbigay sa kanya ng acting awards. Last year ay binigyan siya ng Outstanding Cebuano Award sa Cebu.

Dahil sa nasabing mga pelikula, akala namin ay tomboy talaga si Chai in real life, pero hindi pala. May dine-date siya ngayong­ guy na tagarito sa Manila.

Bida na si Chai sa comedy movie na ‘Pinay Beauty’ pero hindi pa raw ito nagsi-sink in sa kanya. ‘Pag binibigyan daw kasi siya ng role ay babad talaga siya sa karakter at pantay lang ang trato niya, mapa-lead man ‘yon o support.

Ang karakter ni Chai sa movie na si Annie ay ginawa ang lahat ng pagpapa-beauty dahil pangarap niyang pumuti at gumanap na Snow White sa Hong Kong Disneyland.

Nu’ng bata pa siya, akala ng morenang si Chai ay mas okey ang maputi dahil ang mga kapatid niya ay puro fair-skinned.

Ninakaw niya ‘yung whitening lotion ng tiyahin niya, pero pinaga­litan siya ng nanay niya at sinabing walang masama sa kanyang kulay at dapat ay tanggapin niya ito.

Nainis si Chai nang minsang makakita siya ng billboard na may nakasulat na ‘kutis Pinay’ pero lahat ng babaeng nasa picture ay puro mapuputi.

Aniya, Pinay siya pero kayumanggi ang kulay niya. Dapat daw, bata pa lang ay turuan na ang mga babae na mahalin ang sa­rili nila para huwag nilang maramdaman na inadequate sila just because of the way they look.

Si Edgar Allan Guzman ang leading man ni Chai sa ‘Pinay Beauty’ na August 15 ang showing sa mga sinehan nationwide.