Mas lumakas pa ang hanging amihan at mararamdaman ang lamig ng panahon maging sa ­Visayas hanggang Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nai-record sa PAGASA Science Garden sa Quezon City ang 24.9 degree Celsius sa Metro Manila; Baguio City na 12 degrees Celsius at 19.0 degrees sa Tanay, Rizal.

Maging sa ibang lugar ay nakaranas din ng malamig na panahon. Sa Tuguegarao ay 20.4 degrees; Catarman, Samar 23.5 degrees; Davao City 24.2 degrees; Cebu City 24.6 degrees; Itbayat, Batanes 14.5 degrees at 17.0 degrees sa Malaybalay, Bukidnon.

Matapos bahagyang humina noong isang linggo ay muling nararamdaman ang malakas na hanging amihan. Sa wind map ay makikita ang ma­lakas na amihan na posibleng umabot sa Visayas at Mindanao lalo na sa mga susunod na araw.

Ang malamig na panahon ay inaasahang hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero. (Tina Mendoza)