Nasa transition na ang klima ng bansa dahil patapos na ang hanging habagat at indikasyon na ng pag-iral ng hanging amihan o mas malamig na temperatura.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) bagama’t simula na ang amihan ay hindi naman agad agad na mararanasan ang nakapalamig na panahon kundi gradua­l lamang ito.

“Recent observations and analysis showed that the gene­ral wind pattern has shifted from southwes­terly to easterly. This signifies that the southwest moonsoon season bas officially ended,” ayon sa Pagasa.

Karaniwang buwan ng Disyembre hanggang Pebrero ang malamig na panahon na siyang peak ng hanging amihan. (Tina Mendoza)