Naaresto ang dating mayor ng Maguing, Lanao del Sur at pamangkin nito kahapon matapos mahulihan ng iligal na droga sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro.
Bandang alas-otso ng umaga nang suyurin ng mga awtoridad ang mga bahay nina Johaira Abinal, alyas ‘Mayora Marimar’, live-in partner nitong si Major Suharto Macabuat at pamangkin na si Sanny Santican sa bisa ng isang search warrant.
Napag-alamang supplier ng droga sa Regions 10, 11, Caraga, ARMM at sa Maynila ang dating mayor na nakitaan ng kalibre .45 Remington na baril kasama ng ilang mga droga.