Ni Nonie V. Nicasio

Masaya si Lance Raymundo sa kanyang latest single na bagong version ng ‘Silent Night’ dahil nagbigay siya ng sariling input dito.

Gusto raw sana ng Viva na ang maging dating ng bagong single niya ay mala-Tony Bennett or Michael Buble. Pero nang naiwan siya sa studio, dito siya nag-eksperimento dahil siya ang gumawa ng arrangement nito in collaboration with Ramiru Mataro.

Kuwento ni Lance, “Ito yung Electro Pop version ng Silent Night. A version of Silent Night that people can dance to. Definitely a song for millennial listeners, pero enjoy din actually si Mom when I made her listen. Pati ‘yung mga executive ng Viva, enjoy din. So I guess it’s for everyone.”

Ang singer/composer/actor ang special guest recently ng Abante Tonite online show na Tambayan ng Tsika, at sa aming panayam sa kanya with Alwin Ignacio and Rona Ronda, inusisa namin si Lance kung ano ang best memory niya tuwing Pasko sa kanyang dad na pumanaw lang two months ago?

“Best memory kay dad is, wala sa mga naibigay niya. It’s more of like ano lang talaga… kasi kami siyempre maraming mga regalo, pero ‘yung just the fact that we’re all together, happy na kami. So ‘yun lang talaga ang mas mahalaga.”

Nakaranas ba siyang mag-caroling noong bata pa? “Hindi,” matipid na sagot niya.

Anong favorite Christmas song niya? “My favorite song is not a classic Christmas song, gusto ko yung Do They know it’s Christmas, especially that last 2014, it was revived again ng One Direction, Ed Sheeran… In fact I’ve been performing it nowadays ‘pag may mga Christmas shows or events. Sa Tagalog yung naiisip ko lang is Pasko na Sinta Ko.

Nagpaluha sa kantang ‘Do They Know It’s Christmas’

“Pero eto, maikuwento ko lang ng super fast. Last week, kumanta ako ng Do They Know It’s Christmas sa isang hotel tapos may lumapit sa akin na African, parang naluluha siya kasi isa pala siya sa mga naging beneficiary ng kantang ‘yun noong unang lumabas, noong panahon nina George Michael and then her life became good. So ngayon, ang naging advocacy niya is magpakain ng mga bata.

So siya ‘yung leader ng NGO ngayon na Save The Children.org.

Nasa ‘Pinas siya para pakainin ‘yung mga gutom na Pilipino, nagkataon na nandoon siya nang kinanta ko.
“When I was singing… lumapit siya sa akin, ‘Hey did you know that this is like very nostalgic… I was one of the hungry kids that was fed by that song, you’ve just sang’.

So ‘yun, as in nakaka-touch, ‘di ba?”

Humahanga kay KZ Tandingan

Sino ang gustong maka-collaborate na singer? “I’m really amazed by KZ Tandingan. I’m a fan actually. I like her not even because of that China concert, I like her because of her audition. Kasi sa audition niya hindi pa siya si KZ, eh. Pero inilabas niya ‘yung lahat ng pagka-KZ niya. So it means, she’s not starstruck. She’s beside all these celebrities, inilabas niya lahat so that’s an artist that believes in herself. That’s what I did din with Silent Night. Kasi lahat ito mga nakatago because I just follow what I’m told to do. I decided to put out my creativity and yun, nagustuhan nila. So now, Viva discovered my niche.”

Sa Fish Bowl segment na kaila­ngang bumunot si Lance ng tanong na sasagutin niya, isa sa nabunot niya ay: Naniniwala ka bang magiging drug free ang Pilipinas?

Sagot niya, “I hope. I wish for a drug free Phili­ppines. I know it’s gonna be difficult kasi I mean, kahit wala nang panakot and everything if someone is addicted to something, mahirap talagang tanggalin. So kailangan talaga ng ano, hindi lang pananakot but a lot of education, so maybe the next gene­ration will be drug free. Kasi dapat sa simula pa lang, nae-educate na yung tao sa mga hazards and I think also kung mas masaya ‘yung mga tao, kung mas nagmamahalan, hindi kaila­ngan ng drugs. And you can’t have a peaceful and harmonious Philippines overnight, ‘di ba? So I’m hoping, for the future… sana maabutan natin ‘yan in our age, in our life time.”

Sa segment naman na ipinapakita ang mga photo ng mga celebrity, nang lumabas ang picture ni Coco Martin na star ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na naging guest din si Lance, eto ang naging reaction niya:

“We never had a scene together pero the only time na nagkasabay kami sa entablado was during Translasyon. ‘Yung sa Black Nazarene na devotee si Coco. Ako naman, I was invited to share about ‘yung sa aksidente ko. And then I sang a song, sakto, after me si Coco na. Plus, I’m a friend of direk Brillante Mendoza, so sa ibang mga screening niya rati, before Coco was Coco, nagkakasama kami. He’s a very humble guy and I knew he was gonna be a star, even during that time na hindi pa siya star – na alam naming magiging star siya.
Low profile talaga siya, so I’m happy, he deserves everything kung anong mayroon siya ngayon.”

Sa ngayon, may tinatapos na pelikula si Lance na siya ang bida under Direk Elwood Perez.

May papel din siya sa movie ni Nadine Lustre titled ‘Indak’.