tonite-imo-vinia-vivarSa lahat ng mga pangba-bash at panlalait na natanggap ni Regine Velasquez dahil sa pag­lipat (or pagbabalik) niya sa ABS-CBN, aminado ang Asia’s Songbird na sa “walang utang na loob” na akusasyon siya pinaka-napikon.

“Not a lot of people know that in my 20 years in GMA, kalahati nu’n wala akong kontrata,” pagre-reveal ni Songbird sa kanyang panayam sa “Tonight With Boy Abunda” aired last Friday.

“Hindi ko naiintindihan kung bakit ako walang utang na loob when my 20 years, half of that, I didn’t have a contract because I wanted to be with them,” dagdag niya.

Inaasahan na rin daw niya na talagang may mga masasabi ang ibang mga tao sa ginawa niya pero hindi raw niya ine-expect na magiging big thing ang buong pangyayari.

“If I was Marian Rivera, I would understand but I’m just Regine Velasquez,” sabi pa ni Regine.

Pero kinontra ito ng host na si Boy Abunda at aniya, she is Regine Velasquez kaya naging big deal ang lahat.

Samantala, kaaliw din ang rebelasyon ni Songbird sa “Name the Leading Man” segment kung saan ay tinanong siya ng mga question at sasabihin niya kung sinong leading man ang gumawa nito.

Sa tanong kung sino ang pinagselosan ng asawa niyang si Ogie Alcasid sa lahat ng mga naging leading men niya, ani Regine ay si Robin Padilla.

Kuwento ni Regine, sila na raw ni Ogie nu’ng ginagawa nila ang second movie nila ni Binoe pero hindi pa sila out.
“Eh landian kami nang landian ni Robin du’n sa pelikula na ‘yun, ewan ko ba,” natatawang sabi ni Regine.

“He (Ogie) called me one time and he was crying. He felt so bad na parang ‘ba’t kailangan n’yo pa gawin ‘yun?’ Sabi ko, ‘eh wala, promo lang naman ‘yun.’ Tapos hindi niya maintindihan.

“After nu’ng naging out na kami, tinanong ko sa kanya bakit. ‘Kasi siyempre,’ sabi niya, ‘hon, hindi tayo out, eh,’ so feeling parang tagong-tago ako and I couldn’t tell anyone na ako ‘yung mahal niya,” kuwento pa ni Songbird.
When asked kung sino naman ang pinaka-kuripot na naging leading man niya, aniya, si Aga Muhlach at aminado rin naman daw ang aktor dito.

Solenn walang paki na masira ang katawan

Walang problema kay Solenn Heussaff na masira ang sexy fi­gure niya at maging mataba once na nagbuntis na siya sa first baby nila ng asawang si Nico Bolzico.

“Okay lang, I live a healthy life so. . . I mean, imagine ‘yung feeling na you’re carry­ing a human being. Only women have the power to do that,” pahayag ni ­Solenn.

Pero ang pagi­ging mataba raw during pregnancy ay nasa babae rin at minsan, sa genes din.

“Saka, akala nila, ‘pag buntis, you need to eat for two, pero hindi totoo ‘yan. You need to eat how you eat now, same lang when you’re pregnant, ganu’n.”

Kaya abangan na lang natin kapag buntis na si Solenn dahil kung sakali, baka ang aktres ang magiging sexiest pregnant woman ever.

Samantala, kasama si Solenn sa napaka­laking action-family drama na pinagbibidahang ng 2 kings of GMA-7 na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, ang “Cain at Abel” na magsisimula na ngayong Lunes, Nov. 19.

Ginagampa­nan ni Solenn ang role ni Abi­gail, ang sophisticated and adventurous lover ni Daniel (Dingdong).