ANG daming nagulantang sa lumabas sa Twitter account ng Bacoor Mayor Lani Mercado na nakikiramay sa pamilya Marcos:

“Our condolences to the Marcos family. It was a pleasure and a privilege to work with Cong. Imelda Romualdez Marcos.”

Ayon sa ilang repor­ters na nakausap namin, sandali lang ang electrif­ying tweet na iyun at bi­nura agad.

Pero ang dami nang naka-pick up at ipinost din nila sa Facebook.

Kaya ang bilis ku­malat, hanggang sa nakarating sa pamilya Marcos.

Naglabas si Gov. Imee Marcos ng statement na itinatanggi ang balitang iyun tungkol sa kanyang ina.

Pati pala si Mayor Lani ay nagulat dahil hindi pala siya ang nag-post nu’n sa Twitter.

Sandali namin siyang nakausap kahapon at nagtataka siya kung paano nangyari iyun.

Later, may post uli sa Twitter account ni Mayor Lani na humingi ng paumanhin:

“I would like to apologize for my tweet which I have erased. I received a news break message informing the public about Mrs. Marcos.”

Hindi nagtagal ay na-delete din ang tweet na ito.

Imelda Marcos
Imelda Marcos

Tinanong namin si Lani tungkol dito, hindi rin daw niya alam. Pero gusto raw niyang magparating ng apology sa pamilya Marcos dahil sa tweet na iyun na maaaring kagagawan ng hacker.

Hindi raw nila alam kung ano ang nangyari.

Kaya nu’ng nakausap namin, pinapaimbestiga pa raw nila kung na-hack ba ito.

Nag-post ang Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa Twitter na na-hack ang Twitter account ng kanyang ina.

Maraming reporters ang nangulit para hi­ngan ng pahayag si Mayor Lani, pero sobrang a­bala siya kahapon dahil pinaghahandaan nila ang nalalapit nilang Bakood Festival bilang bahagi ng anniversary ng Cityhood ng Bacoor sa susunod na buwan.

***

Baka bukas daw ay magpapa-admit na si Gladys Reyes sa hospital dahil manganganak na ito.

Gusto sana niya ay Mayo 10 iluwal ang kanyang baby boy na pinangalanan niyang si Gavin Cale, dahil caesarian siya.

Hinihintay lang niya ang payo ng doktor niya dahil pina-ultrasound ito kamakailan.

Gustong makita ng doktor kung nagbago ang posisyon ang kanyang baby.

Suhi kasi ang baby at minu-monitor ito ng kanyang doktor kung nagbago ng puwesto.

Hindi gaanong nagwu-worry si Gladys dahil caesarian siya.

Lahat na mga anak niya ay iniluwal niya nang ceasarian dahil maliit ang pelvic bone niya.

Pagkatapos nitong pang-apat nilang baby ay napagkasunduan nila ni Christopher Roxas na ito na ang panghuli. Okay na sila sa apat na anak.

One Response