Lani, Morissette walang sapawan

TNT-ABANTE-TONITE-lani-morisette

Kapag narinig mong si Lani Misalucha inawit ang Queen of the Night aria mula sa The Magic Flute opera, walang duda, mapapabuka ang iyong bibig, babagsak ang iyong panga at nagsa-ibon na siya sa kalagitnaan nito at pag umabot na crescendo ang aria, walang dudang ikaw ay tatayo, papalakpak at bravo ang mamumutawi sa iyong mga labi.

Ang diva that you love, kasama ang full packed Theatre at Solaire crowd, ganiyan ang naging reaksyon na ibinigay kay Misalucha. Ang aria ay isa sa mga musical highlights sa A Lani Morissette Musical Journey.

Bago pa ang aria, ang Asia’s Nightingale, ang Ave Maria, kinanta niya rin at may kuwento pang ang nasabing awit ang unang kantang ama niya ang nagturo.

Sa true lang, sina Lani at Morissette, ginali­ngan, hinusayan, at hindi nagkabugan. Walang nagsasapawan. Ang da­lawa, nirerespeto ang artistry at talent ng bawat isa. Sa kanilang mga duet, panalo ang blen­ding, alam na alam mong may mutual admiration sila sa isa’t-isa.

Sila ang tunay na Lavinia Arguelles at Dorina Pineda na walang tarayan, walang irapan, walang you are nothing but a second rate, trying hard, copy cat moment.

‘Yung buong concert, may parang passing of the torch feel, pagpapa­kilala sa heiress apparent at yung pagmamahal sa iniidolo na parang neneng paslit na tuwang-tuwa at kilig na kilig sa pagkakataong siya at ang kanyang sinasamba, nasa iisang tanghalan.

Sa mahusay na stage direction ni Carlo Orosa at panalong musical direction ni Louie Ocampo, well chosen ang repertoire kung saan talagang ipinakita ang pagkakahalintulad sa musical paths at buhay nina Mi­salucha at Amon.

Ang bawat singer, ikinuwento ang kanilang journey at sa bawat pagbukas at pagsara ng mga pinto sta kanilang respective careers, may mga special song numbers na talagang lalong nagpapatingkad sa kanilang paglalakbay.

Maliban sa arias ni Lani, ang best concert moments, ang singing of their individual hits, ang kanilang karaoke moment kung saan sabay nilang kinanta ang It’s All Coming Back To Me Now ni Celine Dion.

Si Misalucha ang nag-interpret ng Emotions ni Mariah Carey na signature song ni Amon, in ope­ratic version ang ginawa ni Lani. Si Mori naman ang kumanta sa Lovin You ni Minni Ri­perton, ang most requested song na pinapakanta kay Lani. In fairness to Amon, hit na hit niya ang high note ni Minni, huh!

Panalo rin ang inspirational song numbers na The Climb ni Morissette at Healing ni Ms. Lani.

Siempre pa, they made the Theatre audiences groove sa kanilang Aretha Franklin tribute na Natural Woman, Res­pect at Freeway of Love at standing ovation ang binigay sa kanilang encore.

Ang encore repertoire lang naman, na kunyari pigil na pigil sila, I Have Nothing at I Will Always Love You ni Whitney Houston, Narito Ako ni Maricris Bermont, Aegis’ Halik, My Heart Will Go On ni Celine Dion, Climb Every Mountain mula sa Sound of Music, at ang ultra kabogerang And I Am Telling You mula sa Dream Girls! Brava, Lani! Brava, Morissette!

Ibang klase ang encore segment, tunay na tandang pandamdam na pagtatapos sa best concert bar none sa taong ito, ang A Lani Morissette Musical journey!

Ang tanong, kailan kaya magsasama sa isang full concert, sina Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo, para sila naman ang mag-reynang uri sa tanghalan?