Lani nakalimot sa nagbigay ng biyaya

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioShock, tulala ang diva that you love sa pangyayari ang Philippines’ Ultimate Diva, si Ms. Lani Misalucha, plok kete plok ang tears habang pinapayuhan ang kanyang heiress apparent na si Morissette Amon. Magkasama ang dalawa sa A Lani Morissette Musical Journey na ipalalabas sa Solaire sa Setyembre 22 at 23.
Ang kanyang payong may haplos sa puso, “Mayroon tayong mga priorities sa buhay. If you think that this is something that you want to do for the next several years, then do it because this is what you love.”
Ipinaliwanag niya ang kanyang payo, “Iba ‘yung naging priority ko talaga. Bago pa ako makapasok sa industry, iba na ‘yung priority ko sa buhay. Ang inuna ko, to nurture my family. Kasi may pamilya na ako when I got into show business, so ‘yun ang priority ko.”
She had no regrets for the things she did for love, “Ang maganda dun, I am enjoying both worlds—my personal life, which is my family life; and my career. Hindi ko talaga binulusok nang todo-todo. Kasi hindi maaaring may ma-sacrifice na isa, e. It’s really good that I was able to balance both worlds.”
Dahil nga no time for love pa ang emerging diva na si Morissette, ang emote ni Lani sa dalaga tungkol sa romansa, “Hindi mo siguro priority ang magkaroon ng relationship at this time, and I don’t think anytime you’re gonna get married dahil wala naman. So go ahead and i-mold mo pa ang iyong craft, ang iyong talent. I’m telling you, you already are a very good artist and you’re gonna go a long way.”
Habang nagpapayo si Ms. Lani, hindi pwedeng ipagkaila na talagang emosyonal na emosyonal siya. Cascade na talaga ang kanyang tears, nanay na nanay na ang dating, pinaalalahanan ang anak.
“Bakit nagka-crack ako?” tanong ni Misalucha sa sarili. “Never forget that was given to you. God gave you that. All of our talents, all of our skills, were given to us from heaven, it was given to us. Anytime it can go away. It can be taken away from you in a snap. So you just got to be grateful and always acknowledge the one who gave you that. We have to be grateful all the time.”
Patungkol niya kay Morissette, “Now that you’re travelling, you always have to ask for guidance and protection that you always have to be safe in everything that you do.”
Patuloy pang paliwanag ni Misalucha, “Ang mga sinasabi ko nga­yon sa kanya, this are all based sa mga nangyari sa akin during my struggling years. Minsan nangyari na sa akin ‘yun. Minsan kasi masyado na akong busy, alam mo ‘yun, nalilimutan ko na. Nalilimutan ko na, ‘minsan unti-unti ka nang lumalakad away from the one that you have to give priority to. Nangyayari ‘yun, sana lang hindi dire-diretsong makalimot. Nangyari na kasi sa akin ‘yun before, nakakahiya. Nakakahiya lang na hindi mo ma-acknowledge ‘yung nagbigay sa atin ng biyaya.”
***
 

Morissette nawalan ng boses

Asia’s Phoenix ang bagong label ni Morissette kaya alam mong siya talaga ang next in line diva.
Sa true lang, damang-dama ang sincerity niya habang pinasasalamatan ang Asia’s Nightingale sa mga payo nito.
Ang sabi ni Morissette, “‘Yung nakikita po natin ngayon, just how she’s able to manage her life and nakikita pa rin po natin ‘yung passion niya, ‘yung love niya for family, and how God-fearing she is. She shows us right now how she values her relationship with God. If that’s her priority, everything else will follow.”
Aniya pa, “Kaya grateful ako to be working with such an inspiring woman, na hindi lang napakagaling sa craft niya pero napakagaling din ibahagi ‘yung life niya sa ibang tao, lalung-lalo na ang relationship niya with God. Being a ‘millennial’, I think that’s something we can never forget, na kahit ang daming success na dumarating sa aming career, dapat hindi pa rin namin makalimutan ‘yung mga taong nandiyan para sa amin from the very start, and of course, ‘yung taong nagbigay sa amin ng boses na ito.”
Speaking of boses, inamin ni Amon na may isang international singing engagement siya kung saan nawala ang kanyang gift.
Alam niyang ang boses niyang nawala, ay isang sensyales na ang katawang lupa niya, sumusuko dahil nga malala ang international touring schedule niya.
Kuwento niya, “I was grateful that I was surroun­ded with so much love and prayers from everybody. I worked around the situation.
“Napaka-challenging, kailangan kong maging mabilis, ang daming dapat i-consider lalo na ‘yung mga taong manonood. Masaya naman ako na everyone was happy although may ilan na hindi masaya kasi inisip nila dapat todo ‘yung pagkanta ko,” dagdag kuwento nito.
“Sobrang thankful ako kay God, sa buong team na kasama ko, kasi they showered me with lots of love and prayers kaya nakakanta pa rin. I cannot break the hearts of all the people na pumunta kaya go pa rin. Nag-kick namang ang medication, nakuha sa dasal.”