Laos na aktor pambansang sabit

Hulaan Blues

Normal na tanawin na sa mga lakad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang bansa ang presensiya ng isang laos na aktor na aktibong supporter nito noong panahon ng eleksiyon.

Wala naman itong puwesto sa gobyerno pero laging kasama sa delegasyon sa mga biyahe ng Presidente.

Nagtataka tuloy ang mga miron sa Palasyo kung naghihintay ba ng posisyon itong laos na aktor o panatiko lang talaga ng Presidente.

Napapagkamalan tuloy na bodyguard ng Pangulo itong laos na aktor dahil kasa-kasama siya sa mga pulutong ng opisyal sa mga aktibidad ng Presidente.

Katunayan noong panahon ng ASEAN noong Nobyembre 2017 ay nakitang paka­lat-kalat itong aktor sa Conrad Hotel sa Pasay City at maging sa biyahe ng Pangulo sa Russia at ilang bansa sa Asya ay nakikita rin ito.

Tanong tuloy ng mga miron, sarili ka­yang kuwarta ni aktor ang gastos nito o pera ng gobyerno?

Sa pagkakaalam ko kasi purdoy na itong laos na aktor at nagkautang pa sa dati niyang sugar mommy.

Clue: Ang laos na aktor na laging sabit sa biyahe ng Presidente ay kaapelyido ng dalawang magagandang aktres pero hindi niya mga kamag-anak. May letrang L sa pa­ngalan at apelyido at katunog ng isang yosi ang pangalan nito.