Pabagsak na ang negosyo ng mga internet café.
Ito ay batay na rin sa IP E-Game Ventures na inanunsiyo lang kahapon kung saan nabatid na binitawan na ng IP E-Game Ventures nito ang shares nito sa Digital Paradise Inc. na nasa internet business.
Ito aniya ay dahil sa ilang taon nang pababa na pababa ang internet business at wala nang pag-asang makabawi pa ang negosyo ng internet café dahil marami nang ibang options na available sa consumer.
Dagdag pa ng IP E-Game Ventures, marami nang lugar ang may libreng wi-fi at marami nang portable gaming devices.
Hindi na rin mabenta ang mga internet café sa publiko dahil marami na ang nag-a-access ng internet gamit ang kanilang mga cellphone kung saan mura na ang mga ito. (Eileen Mencias)
Attachments area