May laos na baklang singer na umeepal sa social media at pilit na inili-link ang sarili niya sa isang OFW.
Sana, maging masaya na lang siya sa kanyang lungga dahil hindi siya maka-out habang nabubuhay pa ang pamilya niya.
Sayang.
***
NAGKAKAGULO ang mga guro sa UP dahil para marating nila ang government rank ni Mocha Uson bilang Assistant Secretary ng PCOO ay dapat may graduate degree sila, a lot of academic publications, extension works, awards and recognition sa field nila.
Sa lampas P100K kada buwan na sweldo ni Mocha, mas mataas pa ang ranggo ni Mocha sa mga premyadong akademiko tulad nina Randy David at Butch Dalisay.
With what qualification? How to be you po, Mocha?
***
Saan nanggaling ang balitang si Kathryn Bernardo ang magiging Darna?
Le-level na si Kathryn kina Pia Wurtzbach at Nadine Lustre na magkakaroon ng sariling publicity para bumango ang pangalan para maisali sa mga pagpipilian sa role ng Darna?
Buhkit?!
Eh ang movie nila ni Daniel Padilla na Can’t Help Falling In Love, lampas P300M na ang kinita sa takilya.
Abala ang KathNiel sa teleseryeng La Luna Sangre.
Teka!
Dahil ba sa pralala na gagawa si Daniel ng movie with Vice Ganda & Pia Wurtzbach kaya pinalutang ang tsika na si Kathryn naman ang magbibida sa pelikulang Darna?
***
Hot pa rin si Zia Quizon dahil napaka-distinct ng boses niya. Latest we heard from her is when she sang the Rivermaya song which was the theme song of the Jericho-Bela movie.
Suwerte ni Robin Rivera sa kanya. As for Sam Concepcion, nasaan na siya? Parang ang aga niyang nalaos.
Paano kaya sila magkakatulungan ni Kiana Valenciano sa career nila?