Laplapang Angel, Tony trending

Lumabas na ang official trailer ng ‘Glorious’ nina Angel Aquino at Toni Labrusca na palabas sa iWantTV ng ABS-CBN.

Sa ilang oras na paglabas ng trailer ay nakahakot agad ito ng milyong views.

Shocked at naintriga naman ang mga netizen sa takbo ng kuwento, lalo na ang mga eksenang tila hindi na humihinga sina Angel at Tony sa sobrang halikan.

Ilang nag-comment na netizen ang nagsabing gumaling si Toni sa nasabing teleserye at tiyak umanong aani ito ng award.