Lara manganganak sa Setyembre

Madaragdagan ang pamilya nina Lara Quigaman at Marco Alcaraz.

Masayang binalita ng mag-asawa sa YouTube vlog ang pagbubuntis ng dating beauty queen sa kanilang third child.

“Alam po namin na ang daming hindi magandang nangyayari ngayon sa paligid natin, pero this is something talaga we are truly grateful for,” pahayag ng Miss International 2005 winner.

Setyembre raw ang due date ni Lara.

May dalawa nang anak na lalaki ang mag-asawa, sina Noah na isinilang noong 2012 at Tobias Nolan na pinanganak ng 2018. (IS)