Sakto ang pag-entra sa tawag ng pangangaila­ngan ang lakas ni Marcio Lassiter sa kagyat na paggiwang ng San Miguel Beermen para maitakas ang panalo kontra sa wala nang lugar na Kia Picanto 108-106 kagabi sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Binura ng Kia ang 26 point lead ng Beermen at nakalamang pa ito sa last minute ng fourth quarter ng tatlong puntos buhat sa sunod-sunod na puntos nina Glenn Khobuntin, Ronald Tubid, Reden Celda, at Jon Gabriel.

Pero dahil kay Lassiter na tumapos ng 22 points kasama ang five straight points ang nagpaiba ng ihip ng hangin para maitakbo pa ang laban sa magitgit na panalo.

Dahil sa wala ang big man scorer ng Beermen na si June Mar Fajardo na mayroong average na 23.2 points, 13.67 rebounds, at 2.00 assists, na naging malaking kawalan para sa tropa ni coach Leo Austria.

Nagtala naman si Arwind Santos ng double-double na 27 points, 10 rebounds, at mayroon pang five assists, at two blocks.

Susubukan naman ni Alex Cabagnot na makapaglaro sa kanilang huling laro sa elimination laban sa Rain or Shine sa Mar. 2.

Sa kasamaang palad, na-injury pa ang isa sa mga rebounder ng Kia na si Jackson Corpuz sa fourth quarter 9:46 pa ang nalalabi at lamang pa ang SMB ng 19 points pero nakapukol pa rin ng 12 points, seven rebounds para sa kanilang koponan.

Umusbong muli ang hinahanap na laro ni coach Ricky Dandan ng Picanto kay Khobuntin na tumapos ng 15 points, at five assists at sina Gabriel, McCarthy, at Mark Yee ay mayroong tig-10 points.

Laglag na sa kontensiyon Kia na garahe sa 1-10, habang ang San Miguel ay sigurado na sa top 2 spot na may twice to beat edge, 8-2.