Unang araw pa lang ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup eliminations noong Linggo, pero may na-technical foul at flagrant foul penalty 1 (FFP1) sa Magnolia Hotshots-defending champion San Miguel Beer game.

Buwena-mano si SMB forward Marcio Lassiter na nahuli sa pagsiko sa pribadong parte ng kalabang si Jackson Corpuz na-FFP1 sa season-opening conference kung saan paiiralin na ang mas pinabigat na mga kaparusahan.

Ayon kay PBA Commissioner Wilfrido Marcial, bawat technical foul ay may karampatang parusang P1,000 multa base sa bagong rule ngayong taon.

Ipinaliwanag niyang mas mabigat ang bagong itinakdang fine at penalty sa flagrant at technical foul. (Lito Oredo)