Isa si Lassy Marque sa bida sa pelikulang “Two Love You” produced by OgieD Productions, Inc, in cooperation with Lion Wolf Productions, Inc., at sa direksyon ni Benedict Mique. Since “Two Love You” ang title ng pelikula, na-experience na ba ni Lassy na magmahal ng dalawang lalaki ng sabay?
“Wala pa naman akong ganu’ng experience. Pero magkasunod, meron. Ang ganda ko, eh!” sabi ni Lassy
Patuloy niya, “Kapag nararamdaman mo na malabo na ‘yung relasyon, hiwalay na agad, tapos move on na, tapos hanap ka na agad ng panibago, ‘di ba? Ganu’n lang ‘yun. Siyempre, buhay ng bakla, di ba gusto natin laging masaya sa relasyon?“
Kung ‘yung ibang bading ay nagagawang makipagrelasyon o tumikim ng babae, sa kaso ni Lassy ay hindi raw ‘yun mangyayari. In fact, may nagkagusto nga raw sa kanyang dalawang babae, pero hindi niya raw pinatulan ang mga ito.
“’Yung isa, nu’ng nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Tapos ‘yung isa, ‘yung sa Punchline (comedy bar na pinagtatanghalan ni Lassy), lagi siyang nandu’n gabi-gabi. Taga-Laguna pa siya, talagang lumuluwas siya para lang panoorin ‘yung show ko. Tapos, kapag may block screening o premiere night ng movie namin ni Vice (Ganda), lagi rin siyang pumupunta. Tapos nu’ng birthday ko, gumawa siya ng video, na gumastos pa ng kinse mil para sa AVP (audio visual presentation), para lang i-surprise ako. Sabi ko sa sarili ko, “Grabe ‘tong babaeng ‘to! Kahit maghubad ka pa sa harap ko, kahit matulog pa tayo na magkatabi, walang mangyayari. Alam kong in-love siya sa akin, kasi sinabi niya sa kaibigan ko. Hindi siya sa akin mismo nagtapat.
“’Yung offer ko sa kanya, as in, malalim na pagkakaibigan lang. Hindi ko talaga ma-imagine ‘yung sarili ko na magkagusto sa isang babae, kasi bakla talaga ako. Ayoko ng sugat (puday ng babae), kasi peklat ‘yun, eh. Nandidiri ako!”natatawang sabi pa ni Lassy.