‘Last Dance’ 1st part ni MJ nakakaaliw

Nakakailang, nakakapanliit ang pambungad ni Michael Jordan sa unang episode ng ‘Last Dance’ na ipinalabas ng ESPN at Netflix kahapon.

“I am Michael Jordan of the Chicago Bulls …” aniya.

Parang, bakit kailangan pa niyang ipakilala ang sarili?

Weird!

Huling taon ni Jordan ‘yun sa Bulls noong 1997-98, huling piyesa rin sa pangalawang three-peat ng Chicago.

Jordan na siya noon, greatest of all time. Kailangan pang ipakilala ang sarili?

Ayaw nga raw sanang gawin ni Jordan ang docu. Buong season, bubuntutan siya ng crew, kukunan ang bawat galaw sa loob at labas ng court.

Nailang din siya sa cameras, pati mga kakampi tulad nina Scottie Pippen at Steve Kerr, hanggang kay coach Phil Jackson.

Si ‘Last Dance’ director Jason Hehir, hindi alam kung paano sisimulan ang docu at na-star struck nang una silang magkita ni Jordan.

Pambasag sa gagawin, gusto raw siyang makaharap ni MJ sa ma-boteng usapan ‘ika nga. Papunta sa meeting place, nag-iisip raw si Hehir kung ano ang oorderin niyang inumin.

“I was thinking the whole way up like, ‘What’s the first drink you order with Michael Jordan?’” tanaw-balik ni Hehir. “I told my brothers that night it was like meeting Santa Claus, like you’ve heard of this person before, you’ve seen him in pictures, but it doesn’t like, that’s not a real person, that’s not a real thing that’s a statue like the statue of Liberty that bend down and shake your hand.”

Kakaiba raw ang karisma ni Jordan, nagkapalagayan agad sila.

“I asked him, ‘Why do you want to do this (documentary)?’ and he said, ‘I don’t,’” dagdag ni Hehir. “He said because of all the misperceptions out there, and there’s a lot of footage in this thing that’s really raw and he didn’t want people to take it out of context.”

Ang nakolektang video footages sa loob ng higit 10,000 hours, naipalabas makalipas ang 22 years.

Umpisa lang ‘yung kahapon, may mga kasunod pa. (VE)