Paniguradong magkakaroon ng major role ang bagong salta sa NLEX na si Carlo Lastimosa, umaasa si coach Yeng Guiao na makakasabay siya sa kanyang sistema at magkaroon ng malalim na backcourt sa susunod na PBA season.

Tumibay ang backcourt ng Road Warriors sa pagdating ni Lastimos panahog kina Kevin Alas, Garvo Lanete, Jonas Villanueva at Emman Monfort.

Sanay na si Guiao sa ganitong sitwasyon. Noong sa Rain or Shine pa ay hinawakan niya sina Paul Lee, Chris Tiu, Jeff Chan, Gabe Norwood, Jericho Cruz at Maverick Ahanmisi at naging matagumpay ang Elasto Painters.

Naikumpara ni Guiao si Lastimosa kay Cruz, sinabing parehong walang takot sumalaksak ang dalawa kahit sino pa ang nasa kanilang harapan.

Isa sa mga naging armas ni Guiao noong napag-champion ang Painters sa Commissioner’s Cup si Cruz at nahirang pang Most Improved Player.

Matibay na ang backcourt ng NLEX, sunod namang patitibayin ang frontline.

Kinuha ng NLEX si 6-foot-5 Raul Soyud para hindi masyadong mapuwersa sina veterans 43-year-old Asi Taulava at Enrico Villanueva.

Maaasahan din ni Guiao si Sean Anthony na maglalaro sa No. 3 spot.