COMEBACKING actress, nagmaldita sa kanyang talent agency! Nababagalan sa takbo ng kanyang career.
Nakailang balik-balik siya sa lupang hinirang. Last year ay nag- decide na siya na mag-stay muna rito sa bayang magiliw.
Nagpa-handle si ate sa isang sikat na talent management. Nabigyan siya ng teleserye at pelikula.
Nairaket siya sa mga out-of-town shows. Nag-back-to-back ang guestings niya, kaya happy na ang kanyang bulsa.
Pero sa showbiz ngayon, araw-araw, gabi-gabi eh may bagong mukhang ipinakikilala.
Nababawasan ang raket ng mga datihan.
Buti na lang, nabibigyan pa rin si ate ng raket. Naging semi-regular siya sa isang teleserye.
Feeling ni ate, sikat pa siya.
Wala siyang kanerbyos-nerbyos na mag-demand ng sariling tent at parking space.
Attitude!
May call time si ate na 7:00 AM. Dahil nagpapa-primadonna ang luka-luka, 9:00 AM siya dumating.
Walang ma-parking-an si ate dahil late sya. Hirap na hirap si The Late Actress kung saan ipa-park ang kanyang karu.
Sa inis ni The Late Actress, binangga niya ang isang kotse na naka-double parking.
Gasgas at yupi ang harapan ng kotse niya, at ang likuran ng kotseng binangga niya.
Nagalit ang production.
Pinabayaran sa kanya ang binanggang kotse.
At pinalayas siya sa taping.
Sa ngayon, nganga na siyang muli at ipinagduduldulan ang sarili sa isang tv network na dinededma naman siya.