Kumplutan ng 34 points sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Ejiya ‘Eya’ Laure upang bula­gain ng University of Santo Tomas Golden Tig­resses ang three-time defending champion De La Salle University Lady Spikers, 25-20, 25-22, 25-17, Miyerkoles hapon sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball first round sa The Arena-San Juan.

Pilay ang USTe sa pagkawala na sa kabuuan ng liga ni Fil-Italian sophomore spiker Milena Alessandrini na nagka-knee injury sa 4-set loss sa Far Eastern University Lady Tamaraws sa Araneta Coliseum-QC noong Sabado, Mar. 2.

Itinalagang best pla­yer of the game ang bagitong si Laure na umiskor ng krusyal na 15 points sa pagsukli sa 19 markers ng beteranang si Rondina sa pagbawi ng dalawa mula sa huling tilapon.

Nagpaulan ng mala­lakas na palo ang mga taga-Espanya mula kay team skipper Rondina na may 19 points, Laure at Dimdim Pacres, na nagtala ng 8 points. Halos sinalang lahat ang players ng La Salle, pero walang epek ito.

“Big win talaga. Motivated, maganda ang gi­sing ng mga player,” bulalas ni UST coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes, Jr. na iankabayan ang biktima sa tersera sa katayuan kabuhol ang FEU Lady Tams sa 3-2 win-loss record.

“Dedicated din ‘yung laban para kay Amiga (Alessandrini). Pinilit namin na ihabol dun talaga sa FEU game but we came short. Ngayon nakapaghanda kami physically, mentally naihanda namin ang mga bata that’s why ganyan ang outcome ng laro,” panapos niya.

Unang semplang ito ng Lady Spikers sa Tig­resses sa straight sets, dalawang taon na ang nakalilipas.

Muling hahataw ang Golden Tigresses sa Mar. 9, Sabado kontra NU Lady Bulldogs sa parehas na venue.