Laure, Rondina, UST angas ang peg vs AdU

Sa pihadong ngitngit nina Ejiya ‘Eya’ Laure at Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina, target ngayon ng University of Santo Tomas na makuha ang pang-anim na panalo sa pagharap sa Adamson University sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament 2nd round elims sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Mapait para sa kampo ng USTe ang pagkatalo sa Ateneo de Manila University noong Marso 20 sa marathon match, 25-19, 25-22, 27-25, 25-22- 15-11.

Hindi naging sapat para sa nasa quadruple-tie sa second spot Goldren Tigresses (5-3) ang 35 points ni veteran open spiker Rondina at 21 markers ni rookie Laure sa nasabing laban.

“Ako dinaan ko na lang sa word na hindi ako susuko, di ako mapapagod,” bulalas ni Rondina. “Nasa isipan ko na rin na kailangan naming manalo. Every time na pupunta naman talaga ako (sa game) ang mindset ko na manalo kami.”

Galing din sa pagkatalo ang nasa ilalim na Lady Falcons (1-7) laban sa Far Eastern University noong Mar. 24 sa isa ring 5 set, 32-30 20-25, 25-23, 20-25, 13-15 patungo sa mamayang alas-dos ng hapong sabak sa Espana-based squad.

Kapos ang 17 pts. ni team captain Eli Soyud at tig-15 markers ni Chiara Permintilla at Joy Dacoron para sa Adamson.(Janiel Abby Toralba)