Lauren wapakels na laos , mataba

NI: ROLDAN CASTRO

Marami ang bumilib kay Lauren Young dahil vocal ito sa pagpuna kay DJ Loonyo. May balls daw ito na sabihin ang gusto niyang sabihin at tawaging bobo ang internet sensation.

Hindi rin niya inuurungan ang mga basher na namintas na laos na siya.

“HINDI KO PO GUSTO SUMIKAT. I act because it pays my bills not because I crave for your fuc*ing approval,” pakli niya.

Wapakels din siya na okyaring mataba.

“Oo mataba ako! Ano ngayon???

“Did I make statements that could possibly influence my followers to think the wrong way because I had incorrect information while oozing with confidence?NO. Tse. Kainin ko kayo eh.

“Body shaming is so 2019. Read a fuc*ing book and grow up people.”

Inalaska pa si Lauren na ‘di siya jojowain ni DJ Loonyo.

“THANK GOD!!! Porket babae ako crush ko siya? ASA KAYO.”

Pinatulan din niya ang nagsabi ng “Artista ka pa naman.”
“So magbait-baitan ako? Wala akong opinion dapat?,” deklara pa niya.