Laureus World Sports: Woods, Comeback Player

Pinangunahan nina Tiger Woods, Novak Djokovic, Lindsey Vonn at ng France national soccer team ang winners ng Laureus World Sports Awards na kumilala sa mga outstanding sports performance ng 2018.
Itinaas ni Woods ang Comeback Award 19 years pagkatapos siyang unang kilalanin noong 2000 nang gawaran ng inaugural World Sportsman of the Year award.

Kampeon si Woods sa Tour Championship noong September, ang kanyang 80th PGA tour title pero una sapul noong 2013.

Pinantayan ni Djokovic ang record ni Usain Bolt bilang World Sportsman of the Year sa pang-apat na pagkaka­taon matapos pagharian ang Wimbledon at US Open. Nakuha rin niya ang parangal noong 2012, 2015 at 2016.

Iniuwi ni Vonn ang Spirit of Sport Award na binibigay sa atletang hindi matatawaran ang dedikasyon sa kanyang career. Nagretiro na si Vonn pagkatapos ng Alpine skiing world championships higit isang linggo pa lang ang nakakaraan.

Kinilala ang France bilang winner ng World Cup noong July.

Si Simone Biles ang World Sportswoman of the Year matapos magkuwintas ng apat na gold, isang silver at isang bronze medals sa gymnastics world championships.

Ibinulsa ni Naomi Osaka ang Breakthrough Award dahil sa panalo sa US Open, si Chloe Kim ang World Action Sportsperson of the Year awardee.