Laurice Guillen nagkulang sa anak

Sa pambihirang pagkakataon ay nagsalita si Jodi Sta. Maria tungkol sa kanyang personal na buhay. Nagpahayag siya ng kanyang saloobin sa kanyang pagiging working mom at sa sitwasyon nila ng estranged husband na si Panfilo Lacson, Jr. or Pampi for short.

Sa ginanap na presscon kahapon ng movie niya with Gabby Concepcion na ‘Man and Wife’ under Cineko Productions, natanong sila ng direktor na si Laurice Guillen kung ano ang failure nila as a mom since malapit na ang Mother’s Day.

Namamaos si Jodi at halos walang boses dahil sa sunod-sunod na trabaho. Mahahalata pa ring tila naging emosyonal siya habang sumasagot sa tanong. Pauna nga niya, ‘pag sa usapang ina, tala­gang mababaw ang luha niya.

Tulad ni Direk Laurice na working mom, ayon kay Jodi ay nagkukulang din daw siya sa oras sa kanyang anak na si Thirdy.

“I’m also a working mom and I’m a single mother, so I must say na I haven’t been spending much time with my son coz I had to go to work.

“And also, maybe I have not been successful in giving my child the family that he deserves because hindi naman kaila po sa inyo that my ex-husband and I have been separated for quite sometime already.

“But I am very grateful to the Lord because kahit na ganu’n ‘yung situation at kahit ganu’n ‘yung nangyari, nakikita kong lumalaki nang maayos ‘yung anak ko. ‘Yun lang po, thank you,” sabi ni Jodi.

When asked kung ano ang mga ‘sana’ nila bilang ina, medyo teary-eyed din si Jodi nang sabihing “kahit ano ang mangyari, mapabuti lang ‘yung anak mo.

I think, for me ‘yun lang talaga ang pinaka-sana ko, na kahit ano ang mangyari, magiging maayos siya, lalaki siyang maayos na mamamayan.”

For Direk Laurice naman, itinuturing niya ngang failure ‘yung hindi niya nabigyan ng oras ang kanyang mga anak, na habang lumalaki raw ang mga ito ay busy siya sa paggawa ng pelikula.

“Sabi nga ni Ina (Feleo, her daughter), nu’ng maliit pa siya, medyo maldita siya dahil lagi niyang pinahihirapan ‘yung yaya niya para umalis ‘yung yaya para mapilitan ako na alagaan siya.

“So, I would consider that a failure in a way na hindi ako hands-on mother in a hundred percent or in a 90 percent because I was a working mother,” pahayag ni Direk Laurice.

Pero pinagpapasalamat naman daw niya sa Diyos na lumaking independent, loving and caring ang mga anak niya at higit sa lahat, hindi napariwara or nalulong sa bisyo tulad ng droga.

Samantala, nilinaw ni Direk Laurice na hindi ito remake ng classic hit radio drama and TV soap opera in the 70s and 80s na pinagbidahan sa telebisyon nina Marianne dela Riva and Ronald Corveau.

Sa paliwanag ni direk, ang ‘Man and Wife’ ay sequel ng ‘Gulong ng Palad’ na parang pagpapatuloy lang daw or ‘yung mga “what if” sa kuwento ay dito mapapanood.

At dahil nga sequel, siyempre, same characters pa rin lahat. Ginagampanan ni Jodi ang papel na Luisa na dating ginampanan ni Marianne at si Gabby naman ay si Carding.

Ginagampanan naman ni Liza Lorena ang papel na Menang na biyenan ni Luisa at si Totoy naman na kapatid ni Luisa ay ginagampanan ni Edgar Allan Guzman.

Showing na ang ‘Man and Wife’ ng­ayong May 8 bilang Mother’s Day presentation ng Cineko Productions.