WALEY: Habang kami’y papalipad papun­tang London bukas ay magandang balita sana na kahit mami-miss namin ang pagbubukas ng Ang Babaeng Humayo sa commercial run simu­la sa Miyerkules (Sept 28) ay idinagdag ito sa line up ng mga pelikulang ipapalabas sa 60th British Film Institute London Film Festival.

Doon na sana namin mapapanood ang “luminous film that explores the emotional burden borne by the disenfranchised Filipinos who live in the shadows of colonialism,” sabi ng critic­ na si Kate Taylor sa ­London Filmfest website.

Ang problema ay sa Oct 15 & 16 pa ito ipapa­labas at nakabalik na kami sa ‘Pinas by that time.

The only other Filipino film sa festival program ay ang Ma’ Rosa ni Brillante­ Mendoza na ipapalabas sa Oct 6 and 9.

So, hanggang London­ ay it’s Lav’s Ang Babaeng Humayo and Brillante’s Ma’ Rosa.
Alin ang mas type ninyo?

Basta, mabuhay ang pelikulang Pilipino!

***

HAVEY: Nag-50th birthday si Senator Bong Revilla Jr. sa Custodial Center sa Crame kahapon pero hindi siya nakalimutan ng kanyang mga kaibigan.

Nang dalawin namin siya, looking good talaga si Senator Bong at umaasa ang mga kaibigan niya na makakalaya na siya at ma-clear ang pangalan niya anytime soon.

Nang tanungin namin kung ano ang unang gagawin niya sakaling lumaya siya, tatlong bagay ang mariing sinabi niya.

Gusto niyang magsimba, bisitahin ang puntod ng nanay niya at makipag-bonding sa tatay niyang si Mang Ramon,­ tapos ay uuwi na siya sa bahay ng kanilang pamilya.

Ano ang gusto niyang pagkain na na-miss niya?
Ang sagot ni Senator Bong ay Japanese food.

Na-miss ba niya ang showbiz?

“Oo naman,” sabi ni Senator Bong. “Sila pa rin ang uuwian kong pamilya at na-appreciate­ ko talaga ang mga ­totoong kaibigan.”

Hindi kasama roon ang isang direktor na akala niya’y kaibigan na ‘di man lang siya naisip na dalawin.

Ipinaglaban pa naman niya ito sa malaking proyekto dati.

At kahit kumare, hindi niya alam ang mararamdaman sa isang aktres na dumedma sa kanila habang nasa kulungan.

“Kung nasa’n siya, du’n ako sa kabila,” ma­laman na pagtatapos ni Senator Bong na Golden Boy na!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

2 Responses