
Ang deliryo at lagnat na hatid ng Ms. Universe, lahat ng mga bekibel, kasama siyempre sa equation ang mga straight acting, bisexual, top or bottom man at boy borta, damang-dama na ito talaga.
Ang mas lalo pang nagpapaigting sa pag-asa na malaki ang tsansang masungkit sa ikaapat na pagkakataon ang most coveted beauty title ay ang katotohanang ang ating Philippine bet, si Catriona Gray, ay talaga namang nangabog at damang-dama ang kanyang alindog, kariktan, kumpiyansa at dakilang ganda sa Miss Universe 2018 preliminary competition.
Sa tuwing bumabalandra at umeeksena si Bb. Gray sa entablado ng IMPACT Arena, talaga namang dumadagundong sa ingay, sumasabog ang sigawan at tilian para sa ating kandidata.
Sa opening segment ng preliminaries, kung saan si Catriona ay naka-black dress na may shining, shimmering, splendid na pangabog, hiyawan ang mga manood matapos niyang sambitin ang kanyang pangalan at Pilipinas nating mahal.
Ayon sa mga balita, siya rin ang nag-hair and makeup sa sarili with super ganda results. Dewey and fresh, emphasis on the eyes para buhay na buhay, tamang shade of lipstick para ‘pag ngumiti, senswal pero sweet at parted sa gitna ang buhok niyang parang may sariling buhay.
Sa swimsuit competition, walang duda na Bb. Gray nailed and slayed it. Naka-hot pink with matching strategically placed cut outs ang kanyang one piece bikini and what wowed the crowd, eh ang kanyang super model catwalk pagrampa sa entablado.
Panalo ang bouncy hair na parang may wind effect kahit wala naman. Mas panalong-panalo at best in audience impact ang kanyang slow motion twirl. And when she walked, she reigned on stage, proportional ang legs and thighs, mahabang tignan at parang she glided, instead of walking. At when she punctuated her walk with a turn at may patingin sa camera kung saan captured kung gaano siya ka-ganda, wow na wow na wow talaga!
Kung nangabog si Gray sa swimsuit, aribang-ariba rin ito sa long gown competition na si Mak Tumang ang
designer. Inspired ito by the Ibong Adarna and the MU Mikimoto crowns of yore with matching side slit.
One of the top evening gown picks ang suot ni Catriona. May iba pa siyang isusuot sa coronation night na tiyak na tiyak kabogera rin.
Speaking of kabogera, all female panel of judges ngayon sa MU. Ang mga bumubuo nito ay sina Filipino-American fashion designer Monique Lhuillier, Miss New Jersey USA 2004 and Women’s March founder Janaye Ingram, Moroccan-American entrepreneur Iman Oubou, entrepreneur and CEO of CulturIntel and CIEN + TV Lili Gil Valetta, and CEO of Platinum Skies Aviation and FinTech Casha and Vice Chairperson of the LCS Group of Companies Richelle Singson-Michael.
Kasama rin sa panel sina Miss Universe 1988 Thailand’s Bui Simon at Miss Universe 1992 Namibia’s Michelle McLean.
Sa Lunes ang grand coronation at walang duda, lahat ng bading sa Pilipinas, pati na rin sa buong mundo, ay the Universe rather pala, ay tututok sa Ms. Universe.
Laban Catriona Gray! Laban, Pilipinas!
Mga Pinoy designer umeksena sa Miss U
Maliban kay Bb. Gray, winner na winner pag-usapan na may mga iba pang kandidata na ang suot sa preliminary evening competition ay mga Filipino designers ang gumawa.
Some fine samplings, si Miss Ecuador Virginia Limongi, ang kanyang immaculate white column gown, ang designer si Mark Bumgarner.
Ang silver na parang sexy long shimmery negligee gown ni Ms. Canada Miss Canada Marta Stepien, ang Dubai-based Pinoy designer Michael Cinco ang may gawa.
Ang mala-white ball gown ni Ms. Japan Yuumi Kato, si Joel Escober, Pinoy rin ang may likha.
Ang sheer gown, with a long flowing, softcape ni Ms. Kenya Wabaiya Kariuki, your guess is as good as mine, isa namang Pinoy designer ang humabi, si Jian Lasala.
Ang pulang gown ni Ms. New Zealand Estelle Curd, Pinoy muli ang bumida, si Sidney Eculla ang designer of choice.
Completing the elite set of Pinoy designers na nagdamit sa mga kandidata ay ang House of Bea Blanca, si Miss Nepal Manita Devkota ang may likha ng sheer, elegant long dress with fringe detail nito.
Palakpakan na may kasamang sigawan sa mga Filipino designer na ito na ang mga gown ay nairampa sa global Ms. Universe stage. May your tribe increase at salamat for being part of the yabang Pinoy in a good way movement.