Lavine ‘allergic’ sa mga fan

Aminadong takot na madapuan ng kuma­kalat na coronavirus o COVID-19 ang two-time NBA Slam Dunk champion na si Zach Lavine.

“Man, the whole league is all fans,” pahayag ni Zach sa eksklusibong video ng TMZ Sports. “Look at us, but we’re scared of corona.”

Sa video ay kapuna-puna ring hindi na nag-atubili pang pumirma ng autograph ang Chicago Bull star pero tila allergic na makipag-contact sa publiko.

Magugunitang may memo nang nilabas ang National Basketball Association (NBA) management patungkol sa closed-door games o fan-less games upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus mula sa China.

Bukod dito ay may nauna na ring memo na nagbabawal makipagkamay o makipag-apir ang mga NBA player sa mga fan bilang proteksyon na rin sa posibleng pagkahawa sa mga miron na may taglay na nasabing mikrobyo. (Aivan Episcope)