Masyado nang nahuhumaling sa kanyang kapangyarihan ang isang bagitong mambabatas na ito sa isa sa pinakamayamang lungsod sa P­ilipinas.

Kasi nga naman, bukod pa sa pagiging­ lawmaker, siya din ang umaaktong mayor ng lungsod at nagmistulang ‘shadow’ lang ang kanyang asawa na siyang inihalal ng tao para pamumuan ang kanilang siyudad.

Ayon sa kuwento ng surot sa TONITE, mula lang maluklok ang kanyang asawa bilang bagong mayor ng lungsod, ang asawa nitong mambabatas ang nagdedesisyon sa pagpapatakbo ng lungsod.

Dati rati raw ay sumasangguni pa ang mayor na ito sa kanyang ama sa kung ano ang mga gagawin­ sa lungsod subalit ngayo­n ay hindi na dahil pi­nipigila­n siya ng kanyang asawa.

Wala naman uma­nong magawa ang alkalde dahil kontrolado siya ngayon ng kanyang istriktong asawa. Kaya puro bow lang ito nang bow sa kung anong sasabihin ng kanyang asawang mambabatas. Sino siya?

Clue: Ang lawmaker na nito ay bagito lang pero nakapangasawa ng anak ng kilalang politiko sa bansa. May letra itong A ito sa kanyang apelyido as in ‘astig’.