Ano nga kaya ang dahilan at bumagsak ng 44.4 percent ang deployment figures ng sea-based workers noong July?

Ang 44.4 percent ay sobrang malaki kumpara sa 10 percent na ibinaba naman sa land-based sector ng OFWs.

Well, while hindi pa available ang comparative figures month-on-month, malinaw sa datos sa pagsisimula ng taon na ang job cuts ay nangyari sa mga oil rig.

4,000 jobless

Ang latest figures na available ay noong Enero­ kung kailan umabot sa 4,000 sea-based OFWs ang na-lay off o hindi na na-renew ang kontrata.

Isang oil-rig worker­ ang ating na-interview,­ si Ben ng Cainta, na nagsabing apektado ­talaga sila ng walang humpay na pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market.

“Kawawa talaga iyong mga nagbuhay-hari at walang naipon. Hindi kasi namin naisip na mababakante kami ng ganito katagal,” ani Ben, na nagkakasya na lang sa maliit na kita ng kanyang for-hire na van.

300 rigs nagsara

Kagagaling lang ni Ben sa biyahe mula sa Subic nang makapanayam­ siya ng ating staffer dito sa Usapang OFW.

Kinumpirma ng 40-anyos na OFW na mahigit 300 offshore oil platforms sa North Sea at ­Norway ang nagsara pati na iyong ino-operate­ ng mga dambuhalang ­kum­panya tulad ng Shell, ­British ­Petroleum at ­Conoco.

“Kung hindi ko ­naisipan na magpundar ng sasakyan, nakatunga­nga sana ako ngayon. Eh pero madalang pa rin ang biyahe ng mga pauwi ng probinsya,” wika ni Ben.

Seasonal sideline

“Seasonal at sideline lang itong pagbibiyahe. Hindi pwede pang­hawakan kung may pinapaaral ka na isa o ­dalawa,” aniya.

Ang pagbaba ng presyo­ ng krudo ay bunsod­ din ng pagpasok ng Iran sa eksena matapos ma-lift ang sanctions sa naturang bansa.

Nakadagdag pa kasi ngayon ang Iran sa ­suplay ng krudo sa pandaigdigang merkado na siya pang lalong nagpapabagsak sa presyo.

Follow Me On Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir tumawag na sa 551-5165 o mag-email sa usapang_ofw@yahoo.com.