Laylo ungos kay Antonio

Gomez draw vs Indon, nasa tuktok pa rin

Nakapuwersa ng draw via moves repletion si Grandmaster Darwin Laylo kay GM Rogelio Antonio Jr. upang makaungos, 15-13, at kopoin ang P20,000 winner-take-all match online blitz chess tournament kamakalawa sa lichess.org.

Mahigpitan ang labanan na tumagal ng apat na oras at kalahati ayon kay host commentator International Master Roderick Nava sa larong nauwi sa Modern Benoni.

“Tabla na lang kailangan ko kaya nang makita ko ang pagkakataon na repetition moves ay hindi ko na pinakawalan pa kasi 15 points na ako at panalo na ako sa match,” anang Marikina-based na si Laylo ng Philippine Army Chess Team.