STANDINGS W L
Petron 5 0
F2 Logistics 5 0
Cignal 4 2
PLDT Home Fibr 3 2
United VC 3 3
Sta. Lucia 2 5
Foton 1 5
Generika-Ayala 0 5

Mga laro ngayon:
(Fil0il Flying V Centre)
2:00 p.m. — Foton vs Generika-Ayala
4:15 p.m. — United VC vs PLDT Home
7:00 p.m. — Petron vs F2 Logistics

Sa muling pagkapit kina imports Grace Lazard at Kendra Dahlke, at Aiko Urdas, sisikapin ng PLDT Home Fibr na paluin ang pang-apat na sunod na panalo pagharap sa United Volleyball Club sa 7th Philippine Superliga Grand Prix 2019 elims sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Natisod sa unang dalawang laro sa season-ope­ning conference, buma­ngon agad ang PLDT upang sagasaan ang tatlong sunod na mga karibal at puwestuhan ang fourth spot ng team standings sa 3-2 card.

Tatrangka sa Power Hitters sina Lazard at Dahlke, Aiko Urdas laban sa United VC (3-3) sa banatang papailanlang sa alas-4:15 ng hapon.

Sa huling laban ng PLDT, kumayod si La­zard ng 16 points habang bumakas sina Dahkle at Urdas ng tig 10 markers sa women’s indoor volleyball event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Para sa UVC, babawi ito mula sa pagkakalugmok sa huling laro, muling sasandalan sina reinforcements Tai Manu-Olevao at Yaasmeen Bedart-Ghani at US NCAA Division I standouts Filipino-Americans Kalei Mau at Alohi Robbins-Hardy.

Samantala, magtatapat ang dalawang heavyweight na defending champion Petron Blaze Spikers (5-0) at last year’s runner-up F2 Logistics Cargo Movers (5-0) sa alas-siyete ng gabi.

Magkakaldagan naman sa alas-dos ng hapon ang Foton Tornadoes (1-5) at Generika-Ayala Lifesavers (0-5).