Sa island province ng Catanduanes pakakawalan ang first two stages ng ninth edition ng Le Tour de Filipinas sa February 2018.
Unang pagkakataon sa International Cycling Union (UCI) Asia Tour na sa nasabing lugar aarangkada ang hagaran.
Sa Catanduanes ipinanganak si Jose Sumalde, isa sa apat lang na Filipino cyclists na naghari sa maalamat na Philippine Tour nang dalawang sunod na taon noong 1964-65.
Sisikad sa Feb. 18-21 ang Category 2.2 event, inaasahan na ang pagsali ng 15 squads na karamihan ay foreign-based Continental Teams.
Pakakawalan ang Stages 1 (Feb. 18) at 2 (Feb. 19) sa dalawang out-and-back courses sa Virac, kabisera ng Catanduanes.
Ang una ay ang 158.97-kilometer route sa bulubunduking bahagi sa eastern side ng probinsiya na markado ng tatlong King of the Mountain points. Ang ikalawa ay ang 134.95-km distance sa western side.
Haharurot sa Albay at Sorsogon ang next two stages. Stage 3 (Feb. 20) ang 166.85-km trek Legaspi City-Sorsogon dadaan ng Bulusan, Stage 4 (Feb. 21) ay 209.17-km grind sa palibot ng Mayon Volcano.