NI: ARCHIE LIAO

Sa Quarantine Chika sessions ng pamosong fashion photographer na si Raymund Isaac,naging panauhin ang international diva na si Lea Salonga.

Muling naurirat ang Voice Kids coach tungkol sa kanyang karanasan sa pakikipagtrabaho sa kanyang favorite leading man na si Aga Muhlach.

Aniya, sobra raw siyang naging komportable na kay Aga kaya’t kilalang-kilala na niya ito.

Aminado rin siyang noong nagsho-shoot sila ng movie nila together, hindi raw siya sumusunod sa calltime dahil batid niyang mali-late si Aga.

Ang naging kasunduan daw nila sa produksyon ay ipatawag na lang siya kapag parating na si Aga para nga naman hindi siya maghintay sa set.

Hindi naman naitanong sa singer-actress kung sa paniwala niya ay na-outgrow na ni Morning ang pagiging late nito noon.

Hirit pa ni Lea,nagpapasalamat siya sa pagkakataon na nakatrabaho si Aga sa mga iconic na pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal? at Sana Maulit Muli.

Sa mga faney na humihirit ng kanilang balik-tambalan,thankful siya kung matutuloy.

Gayunpaman,kung hindi raw matutuloy,okey na raw siya sa kanyang estado .Solb na raw siya sa dalawang movie na nagawa nila ni Aga.

Ang dating sa mga netizen hindi kawalan si Aga kay Lea.