Kahit pa nga may mga nanalig na may pagka-taklesa at tsismosa ang pakiwari ng madlang pipol kay Lea Salonga, hindi pwedeng ikaila na hindi pa pala ito laos. Mukhang matagal-tagal pa bago bumaba ang popularity ng kasalukuyang “The Voice Teens” coach.

Alam mo naman si Aleng Salonga, palagiang may pangmalakasang opinion sa mga bagay-bagay, mapa-politika o pang-araw-araw na pangyayari sa buhay nating lahat. Minsan may kuda siyang nakakatuwa at may pagkakataon ding may mga hanash siyang nakakabanas at bwisit na bwisit ka. ‘Yun bang ayaw mong paniwalaan na sa isang itinuturing na Pambansang Kayamanan ng Pilipinas manggagaling ang ganung mga pangungusap.

Hindi ba’t may mga paratang na DDS supporter daw si Manang Lea na ang recent posting sa Twitter na: “Human. Wherever I hang my hat is home” lang naman ang sinabi, mantakin niyo, nag-number one trending in the Philippines ang emote niyang iyan.

Pasintabi kay Ms. Anna Dizon is Anna Dizon pero hindi talaga pwedeng itanggi na Ms. Lea Salonga is Lea Salonga, huh.

Ang mga concert niya sa Pilipinas nating mahal, laging sold out. Mataas pa rin sa ratings at viewership ng singing contest kung saan siya, si Bamboo, Apl ‘D Ap at Sarah Geronimo-Guidicelli ang mga host. Marami pa rin sa mga konsiyerto niya sa ibang bansa ang talagang pinipilahan at pinapalakpakan. Siyempre, forever ang pagka-abangers sa balik-tambalan nila ni Aga Muhlach na ilang beses na ibinabalitang matutuloy na raw pero hanggang sa ngayon, drawing na drawing pa rin.

Kung bakit hindi nalulupig ang pag-asa sa kanilang balik-tambalan, lalo na nga’t relatively mature na ang dalawa, iyan talaga ang kataka-taka, hindi ba naman?

Kaya, sa mga nagdarasal at nagtitirik ng mga kandilang itim para malaos na si Lea Salonga, mukhang hindi mataimtim ang inyong mga pagsusumamo .Deadma ang sansinukob sa mga drama niyo dahil she is obviously on the top of her game and career.

Phoemela napagkamalang transwoman

Kung tunay kang babae, sa puso, isip at salita, ang iyo bang bangs ay magdadabog in a major, major way kung ikaw ay pagkakamalang transwoman? Meaning dati kang bakla, na dahil sa makabagong agham, ay naging ganap na babae?

Si Phoemela Barranda, ay the WHO na sa inyo si Phoemela, ang savage niyo naman sa kanya! Hahahaha! Yes, si Phoemela ay napagkamalang transwoman kamakailan.

May hosting job ang babaing pinagkamalang baklang operada sa isang posh sector of Makati. Eh super traffic that day at ayaw niyang maparatangang unprofessional kaya ang ginawa ni Barranda, super parked ang kanyang car sa kung saan at nag-book sa isang transportation service na motor ang kanyang sasakyan.

Maswerte naman ang ate gurl natin dahil naka-booked, agad-agad at ayon sa mga katkatera at dalahira, makisig, matipuno at lalaking-lalaki talaga ang kanyang service driver.

Matapos dumating sa kanilang pupuntahan, ang service driver, walang kaabog-abog, at very apologetic na tinanong si Barranda kung siya ay isang transwoman.

Hindi na nakuha pang magmaldita ni Phoemela, matamis na ngiti na lamang ang tugon nito sa service driver with matching “hindi” at nagmamadaling pumunta na sa event.

Bakit nga kaya napagkamalang transwoman si Barranda?