SA Instagram 25,084 and counting ang likes ng photo for posterity nina Lea Salonga at Aga Muhlach.

Si Salonga ang nag-post nito at ang kanyang caption, “Dinner companion for tonight.

Spouses were also in attendance! #HopiaNoMore”

Ano ang ibig sabihin ng #HopiaNoMore? Isa ba ito pahiwatig na sa wakas, matutuloy na ang pagbabalik-tambalan nina Kuya Morning at the original Miss Saigon?

Dalawang taon na ang nakalipas nang inanunsyo ni Muhlach sa concert ni Lea na may kuwento na ang pelikula kung saan magbabalik-tambalan sila.

Hinarana pa ni Salonga si Aga ng kanilang signature song, ang Sana Maulit Muli, na titulo rin of their last movie together.

Si Lea pa ang kumuha sa braso ni Aga para iyakap sa bewang nito at when they embraced after the song number, alam mong they share a special friendship.

Ano ba meron ang tambalang Lea at Aga kaya kilig na kilig at haling na haling tayo sa kanila?

The undeniable che­mistry, perhaps?

Kasi, pag magkasama sila, we are taken for a ride. We believe that they are lovers, and everything that they say and do as their respective characters, we swallow hook, line and sinker.

It also helps that they are good, if not best friends. Alam natin na ang ating Tony Awards at West End winner, medyo stand offish pero she warms up, and melts like M & M’s sa piling ni Muhlach.

Kahit chubby with a dad bod na si Morning, guapo pa rin siya, at naturally flirtatious ito.

In his prime, all the Millennial idols, from James Reid, Daniel Padilla, Enrique Gil, Joshua Garcia, Alden Richards, pati na rin ang sina Dennis Trillo, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, even Papa Piolo Pascual for that matter, hindi makakatapat sa ibang klaseng karisma at gandang lalaki ni Aga Muhlach.

He was the Philippine Romantic Comedy King.

Kahit kanino mo siya ipareha, basta romansa at pakilig, patok Kahit ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, naging leading man si Muhlach sa Sinungaling Mong Puso.

At si Lea, we cannot ima­gine her with another movie leading man. Si Aga lang ang dapat.

Ibang klase ang pwersa at lakas ng loveteam nila. Ang demographics nila, pang-alta hanggang pang-masa.

Another reason why we have kilig overdoses when they are together, alam mo na genuine ang emotions that they share.

Na kahit they did not end up as lo­vers, the sincerity, the fondness and the tenderness they share, after all these years, andoon pa rin.

One Response

  1. bakit labis kitang mahal ang movie nila te. 1st year high school ako nung pinalabas un. kahit si aiko ang jowa ni aga nung time n yun, nagclick ang movie nila ni lea sa MMFF.