Lea, kinumpirma ang balik-alindog ni Sharon

Lea Salonga

HAVEY: “Yup, she lost weight. @sharon_cuneta12 has lost weight. A significant amount of weight. Wow.”

Ito ang social media post ng isa sa co-coaches ng Megastar na si Lea Salonga kahapon.

For weeks now, ini-imagine lang ng mga tao kung ano ang hitsura niya at gaano na siya kapayat.

Well, meron pang reaksyon ang ibang netizens na kapag nakita nila si Sharon ngayon, mahihiya ‘yung mga taong nanlait, nanlibak at pinagtawanan siya noon.

Malalaman at makikita nating lahat ‘yan this weekend sa The Voice Kids Live Show. ‘Yung previous weeks kasi ng TVK ay naka-tape na.

Abangan natin ang pagbulaga ng isang bagong Sharon, ang Megastar who is put to reclaim her throne.

Exciting projects are lined up. Among many others, a concert at The Theater Solaire. A movie with Star Cinema. And a Cinemalaya entry next year.

Basta, roll out the red carpet this weekend for our one and only megastar — Miss Sharon Cuneta!

***

WALEY: Nalungkot kami nang maba­litaan namin ang nangyayari sa magkapatid ngayon na nangungupahan sa isang condotel habang pinapaayos ang bagong biling bahay.

Ito ay dahil sa initiative ng nakatatandang kapatid na tumatayong tagapagtaguyod ng pamil­ya.

Sa katunayan, itong si Kuya ang nagpapatuloy sa kanyang pamilya sa kanyang nabiling bahay kahit meron din silang bahay sa probinsya.

t-18-biling-bahayAng siste nito, nagulat na lang ang na­kababatang kapatid nang sabihin ni Kuya na pagkatapos maipaayos ang bahay nila ay magsasari-sarili na sila.

Si Kuya lang ang babalik sa bahay na ipinaayos.

That makes sense dahil baka gusto ni Kuya na matutong maging independent ang kapatid na may sariling trabaho.

Pero more than the financial subsidy, malungkot ang naka­babatang kapatid dahil doon na lang sila nakaka-pagbonding ng kanyang Kuya na imbes na piliin silang kapamilya na makasama sa bahay ay laging gulat nila na ibang taong taga-industriya na kaibigan ng Kuya niya ang makakasama nito sa mas maayos na bahay.

Well, walang choice ang kapatid kundi bumukod at magsarili. Dobleng kayod na lang para mamuhay nang mag-isa.

Mukhang mas aarangkada naman ang career niya sa mga darating na araw.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.