Lea may hugot sa ‘Aladdin’

Bago pa lumabas ang pitak na ito, ang Broadway at West End royalty, si Lea Salonga, maaaring napanood na ang live action version ng “Aladdin.”

Siyempre pa, alam nating lahat na ang singing voice ni Princess Jasmine, si Salonga ang umawit at katuwang niya si Brad Kane sa kantang, “A Whole New World.”

Nasa ibang bansa ang isa sa mga pambansang kayamanan ng Pilipinas at may post siya tungkol sa nasabing pelikula:

“For all that’s been said about the new live action Aladdin, even without seeing the movie, my take away is thus: a movie set in a fictional city in the Middle East starring all shades of brown people and making beaucoup bucks at the box office can only be a good thing. If this aids in changing the way we as outsiders view this part of the world and people from there, it will all have been worth it.”

Hindi ba may shades of peace, prosperity and love for all mankind ang very well written pahayag ni Ms. Lea. Hindi na kailangang ipaliwanag pa o magdagdag ng opinion kasi nga kwentas claras na.
***

Cherie Gil nanganganib masundan ang award

May nagtatanong sa diva that you love kung ano ang reaksyon ko sa mga winner sa katatapos lamang na PMPC Star Awards for Movies.

Sabi ko nga sa inyo, kung ano man ang choices ng mga taga-PMPC, kaya nilang tayuan kaya who are we to argue kung feel nila ang bayuhin mo ang dibdib ko while waking eme ni Ogie Alcasid sa “Kuya Wes.” Aliw naman si Sarah Geronimo sa “Miss Granny” at wala akong opinion sa panalo ni Kathryn Bernardo dahil hindi ko pinanood ang pelikula niya.

Hindi ko rin napanood ang “BuyBust” kaya wala akong hanash sa panalo ni Arjo Atayde at sure naman akong hindi nagdabog si Cherie Gil sa panalo niya bilang best supporting actress sa “Citizen Jake.”

Dahil sa panalo ni Gil sa Star Awards for M­ovies, hindi ako sure kung ang mga taga-URIAN, siya pa rin ang papanalunin sa nasabing kate-gorya. Alam niyo naman ang mga taga-Gawad Manunuri, may history na kapag nanalo na umano sa ibang award-giving bodies, hindi na nila umano pinanalo pa sa kanila, maski pa itanong niyo kay Rocco Nacino na hindi man lang naging nominado sa URIAN para sa “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” kasi nga nanalo na ito sa PMPC at du’n sa isa pang award-giving body na bigla na lang nawala.

Congrats sa mga winner, sa mga namumuno at PMPC members na siyang dahilan kaya may taunan tayong Star Awards for Movies. Mabuhay kayo.
***

Tommy Esguerra, Kelley Day split na

Break na daw si Kelley Day, isang starlet na sila-sila lang ang may alam sa hunky super model turned hamonadong male starlet na si Tommy Esguerra. Itong si Day, isang malaking the WHO at forever na siyang the WHO.

Si Esguerra, may flicker of chance pang maramdaman nating lahat kung maliligo rin siya in broad daylight, sa may posohan na ta-nging manipis na puting brief ang suot o kaya, may sex scandal siyang kapwa niya lalaki ang ka-eskrimahan tapos may drama siyang he is sexually fluid o kaya try-sexual, try niya ang lahat basta may sexual act. Hahahaha!

Si Jolo Revilla raw ay engaged na sa kanyang the WHO of a girlfriend na itatago ko sa pangalang Angelica Alita. Kaya the WHO si Angelica dahil ang Angelica lang na kaki-lala ko ay si Angelica Panganiban at yes oh yes, si Angelica Jones. Hahahaha! ‘Pag kilala ko na siya sa personal, hindi na siya the WHO.

Si Rodjun Cruz, hindi pa naman the WHO, pero si Dianne Medina na bordering on the WHO pero naging bonggang-bonggang the WHO no more kasi nga kasama sa Land of the Rising Sun dele-gation ni Presidente Digong Duterte ang engaged to be married coupling. Mariing tinanggi ni Dianne na ang Palasyo ang gumastos para sila ay maisama sa trip. Super defensive ang hitad, huh!

Kung nakatulong sa economical standing niyo as the future Mr. and Mrs. Cruz ang trip na iyan, who are we to take it against you. Malalaki na kayo. Konsensiya niyo n­aman ang i­nyong kalaban, hindi kami. ‘Yun lamang.