tonite-pak-allan-diones

Maging si Lea Salonga ay nainggit sa Instagram post ni Rachelle Ann Go na kasama ni Shin ang English actress na si Claire Foy.

Nanood ng ‘Hamilton’ musical sa London si Claire kung saan gumaganap si Rachelle Ann bilang si Eliza Schuyler-Hamilton.

“The QUEEN! I cannot believe I met and hugged Claire Foy! I am obsessed with her in #TheCrown! I told her she inspires me and just basically freaked out the whole time (how embarrassing). She is so sweet and bubbly!” masayang sey ni Shin sa kanyang IG post.

“Oh my gulay, I LOVE HER!!!!!!” comment dito ni Lea, na sinagot ni Shin ng, “I KNOW!!!”
Nagreak din at na-excite para sa starstruck fangirl na si Rachelle Ann sina Bea Alonzo, Nikki Valdez, Marvin Agustin, atbp., na mukhang mga fan din ni Claire Foy, na ang galing-ga­ling naman talaga sa acclaimed Netflix series na ‘The Crown’.

“Siiiiis oh my she is so nice!!!” ang sabi ni Shin sa former co-star niya sa ‘Miss Saigon’ na si Eva Noblezada.
Napakasimple ni Claire sa pic nila ni Shin, malayo sa queenly look nito as Queen Elizabeth II sa sikat na UK series.

Last time ay ang dami ring nainggit nang i-post ni Shin ang photo-op niya with ‘Doctor Strange’ and ‘Avengers’ star Benedict Cumberbatch.

Before this ay may pic din si Shin with ‘La La Land’ star and 2017 Oscar Best Actress Emma Stone, na nanood din ng ‘Hamilton’ sa West End.


Secret shoot ni Heart sa Paris, nabunyag

Class na class si Heart Evangelista-Escudero sa Crazy Rich Couture feature na sinulat ng ‘Crazy Rich Asians’ author na si Kevin Kwan sa September issue ng Harper’s Bazaar US.

Ito pala ‘yung secret shoot na ginawa ni Heart the last time na um-attend siya ng Couture Week sa Paris. Kaya pala kasa-kasama niya si Kevin sa panonood ng fashion shows doon dahil may ganito silang project.
Sa video feature ay tinawag ni Kwan si Heart na ‘Darling of the Philippines’, ‘one of the most acclaimed actresses’ at ‘really gifted artist’.

Sa sinulat nitong article, bukod sa pagiging fashionista ni Heart ay nabanggit din nito ang tungkol sa hand-painted Hermes bags na ginagawa ng Kapuso actress.

Gandara at sosing-sosi si Heart, na talagang nakipagsabayan sa mga kapuwa niya Asian style icons na sina Feiping Chang and sisters Rachel & Michelle Yeoh.

Sobrang may karapatan si Heart na makihilera sa mga ito dahil isa siyang certified fashionista at maging ang kanyang Instagram feed ay well-curated at napaka-class ng dating.

Maraming nagsasabing bagay kay Heart ang role ni Astrid Leong, ang magandang Singapore heiress na laging couture ang mga outfit at pinsan ng male lead na si Nick Young sa ‘Crazy Rich Asians’.

Sa movie ay ang English actress na si Gemma Chan ang gumanap sa nasabing role.

Inamin ni Heart na nag-audition siya para mapasama sa cast ng film version ng best-selling book ni Kwan at muntik na raw siyang mapili.

Naging friend na ni Heart si Kevin Kwan, so sana ay mapasama siya sa next projects nito.

Ayon sa estimates ay mukhang hit sa US box-office ang ‘Crazy Rich Asians’ na August 15 nagbukas sa mga sinehan doon.

So, posibleng maisapelikula rin ang mga sumunod na novels ni Kwan na ‘China Rich Girlfriend’ at ‘Rich People Problems’ na sana ay maging parte na ng cast si Heart.