Hindi ko na uulitin pa kung ilang milyong salapi ang nalikom mula sa free concert ni Regine Velasquez-Alcasid sa online. Sangrekwang Reginians, masa man o kapwa niya singers at artista ang talaga namang tutok na tutok sa kanyang birthday kaganapan.

Ang isa sa highlights ng nasabing dalawang oras na awitan, na siyang pinag-dedebatehan ng mga baklang dalahira at katketera ay ang sabayang pag-awit nila ni Ms. Lea Salonga.

Pawang Broadway iconic tunes mula sa “Jesus Christ Superstar,” ang “I Don’t Know How to Love Him,” “What I Did For Love” na galing sa “Chorus Line” at ang pangatlong kanta ay sa Jekyl and Hyde, ang “Someone Like You.”

Kaya nagkakagulo at nagpuputakan ang sangkabaklaan dahil kung ang Ate Chona natin ay sweet-sweetan lang habang nakaupo at umaawit at hitting the high notes na parang wala lang, maning-mani, ika nga. At nakaupo pa, in fairness to the Asia’s Songbird.

As compared to Manang Lea S., na of course you cannot fault her diction, enunciation and pronunciation of the lyrics, pang CCP Main Theater ang vocal styling, best in low notes at iba ang hagod ng musical theatre renditions niya pero parang obvious ang gigil at trying to prove na she will come out as the better interpreter. Ayaw ring paawat ang vibrato niya, huh!

Obserbasyon nga of a rabid Reginian, “Virtual duet pa yan sa lagay na yan, paano pa kung sa live sila nag-duet?”

Kinabog talaga ni Regine si Lea.
Ang importante, nag-collaborate na ang dalawang tunay na diva sa Pilipinas nating mahal. Ang wish ko sa pinakamalapit na hinaharap, ang diva duel naman nina Lea Salonga at Joanna Ampil!

Na may reaksyon agad-agad ang rabid Reginian friend ko: “Ay parang mahihirapan rin si Manang Lea kay Joanna. Hahahahaha! Mas malawak range ni Joanna eh.”

Marian nagmamakaawa na magka-award

Dahil nga sa paandar na “Gabi ng Himala” nasaksihan ng diva that you love ang tatlong babae na may kanya-kanyang atake at interpretasyon sa “Walang himala!”scene ni superstar Nora Aunor bilang Elsa.

Aunor’s performance bilang Elsa is raved all over the globe pero alam niyo ba na ang pagganap ni Vilma Santos bilang Marilou sa “Relasyon” ang siyang nag-grand slam as best actress sa lahat ng local award giving bodies noong mga panahong umariba si Ate Guy bilang Elsa.

Speaking of umariba, sa mga nagbigay ng bagong flavor at interpretasyon sa Elsa scene, ang pinaka-the best sa akin ay ang kay Iyah Mina.

Subtle, nuanced at textured ang kanyang interpretasyon. Devoid of hysteria, walang excesses si Miyah, pusong-puso, damang-dama mo na para talagang hinahalukay ang kanyang kaluluwa habang pinapasabog ang katotohanan.

Masyadong pang teleserye at melodramatic ang kay Marian Rivera. Parang nagmamakaawa na magka-award. Gustong-gustong ipakita sa lahat na magaling siyang lumuha at magpaiyak. Na klase ng acting na kinasanayan nating lahat kaya marami ang nagkagusto.

Dahil nga pang grand slam best actress ang performance ni Vilma Santos bilang Marilou, ang pangarap ni direk Joel Lamangan na gawin itong play, naway mangyari sooner than soon at uUmaasa ako na ipagawa ring acting exercise ang Emil death scene sa mga artista natin ngayon.

Ang best bet ko na magpaka-Kuya Boyet at Ate Vi ay sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, Jericho Rosales at Angelica Panganiban at sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos-Agoncillo.