Lea sinopla ang nanlait sa mga artista

NI: ARCHIE LIAO

Hindi lang sina Bela Padilla at K Brosas ang umalma sa post ng isang nagngangalang Patty Tagal .Minemenos kasi ng huli ang kakayahan ng mga artista at singer.

Nag-react din dito ang Broadway Diva na si Lea Salonga.

Ayon kasi sa post ng nasabing netizen, gumagastos siya para manood ng mga pelikula ng mga artista at para makinig sa musika ng mga singer.

Dapat daw hanggang doon lang ang gawin ng mga ito at huwag nang kumuda pa sa social media.

Hirit pa niya,anumang personal na opinyon ng mga ito sa mga usaping pampulitika tulad ng Anti Terror bill ay sarilinin na lang ng mga ito dahil insignificant na raw ito sa kanya.

Matindi rin ang huling pahayag nito na :”Sing.Act.Shut Up”.

Kung si K Brosas ay gustong sampalin si Patty ng ibinayad na tax, pinaalalahanan naman ni Bela ang nabanggit na netizen na bilang entertainer, napakalaki ng naiiambag nilang buwis sa gobyerno kaya huwag silang maliitin.

Heto naman ang naging reaksyon ni Lea.

“I wanna know who the fuck wrote this. What an utter douchebag,” aniya.

“Huwag natin isipin na insignificant tayo. Eh we’re the first ones nga people will turn to in times of crisis, and we’ll be the last ones to get any sort of help. But we still do what we do. Because that’s how we roll,” dugtong niya.