Dear Sir:

Marahil ay nagsawa na rin ang mga tao sa matagal ng gulong dulot ng Abu Sayyaf group.

Patay sa engkwentro si Badong Muktadil sa Barangay Silangkan sa Sulu, dahil sa pakikipagtulungan ng mga tao sa naturang komunidad at ng lokal na pamahalaan.

Napatay si Muktadil, sub leader ng ASG na tadtad ng maraming kaso tulad kidnaping, pagpatay, at hijackings.

Dapat magkaisa tayo na labanan at sugpuin ang terorismo, maraming krimen ang maiiwasan kung tayo ay makikipagtulungan sa ating gobyerno, kapulisan at kasundaluhan.

Hindi lang gobyerno at militar ang magsasaayos nito kundi tayong mga mamamayan mismo.

Ang terorismo at krimen ay responsibilidad nating lahat. Lahat tayo ay apektado kung lalaganap ang terorismo.

Jamaica Rey
Compostela Valley