Mula sa contract signing with the Armed Forces of the Philippines kahapon ng umaga, dumiretso si Dingdong Dantes sa isa pang contract signing at ito ay bilang first ever brand Ambassador ng MESA Restaurant na ginanap sa SM Aura branch.

Ayon sa mag-amang may-ari ng Mesa na sina Rikki and Eric Dee, si Dingdong ang napili nilang maging pinakaunang endorser nila dahil tulad ni Dingdong, Mesa embodies wholesome, modern family man.

“We needed a modern Filipino family man that iis wholesome. That’s why we chose Dingdong. I think, he fits the bill very much well and represents the Mesa brand to the fullest,” pahayag ni Eric.

Masayang-masaya naman si Dong na siya ang napili ng restaurant dahil hindi pa man daw siya kinukuhang endorser ay madalas na silang kumain dito at lagi nga raw nagpapa-deliver ng food ang misis niyang si Marian Rivera mula sa nasabing resto dahil may branch daw na malapit sa kanila.

Bukod dito ay mahilig daw talaga siya sa Pinoy food at gusto niya ay authentic talaga.

“It’s a privileged to represent something that I believe in, lalong lalo na ako’y isang foodie at mahilig kumain at ang go to talaga nating mga Filipinos ay Pinoy food.

“I’m just so happy na nandito na ako ngayon, representing something that stands for family and quality and service,” he said.

Samantala, ang contract signing naman sa AFP ay para sa upcoming teleserye niya na “Descentants of The Sun.”

“Kailangang klaro muna na sila (AFP) ‘yung partners namin dito, sila’y nandiyan para gabayan kami dahil of course, aside from representing characters na na-create ng Descendants of the Sun, ire-represent din namin ‘yung ating Armed Forces.

“So, we want to represent them with honor and pride. So, kailangang gawin nang tama,” ani Dong.

Kasama rin sa contract signing ang iba pang cast ng serye tulad nina Jasmine Curtis Smith na gaganap ng papel ni Lt. Moira Defensor at Roco Nacino na who’ll be portraying Sgt. Diego Ramos.

Sa nasabing event ay inanunsyo na rin ang iba pang cast ng serye at tanging leading lady na lang ang hindi pa ina-announce.

Kaya naman natanong si Dong kahapon kung sino ba talaga ang leading lady niya although maingay nga ang pangalan ni Jennylyn Mercado.

“Ang GMA po ang makakapagsabi niyan,” very safe na sagot ni Dong.

Bakit mayado yatang nade-delay ang announcement for the leading lady?

“Baka may inaantay,” sambit ni Dong na tila nagbibigay ng hint.
Mahihintay pa ba siya?

“Siyempre naman,” mabilis niyang sagot.
***

Regine tinawag na balyenang laos

Halatang ikinaloka ni Regine Velasquez ang matinding pangba-bash ng isang netizen sa kanya at sa asawang si Ogie Alcasid kaya naman hindi talaga siya nakapagpigil at sinagot niya ito.

Ipinost ni Asia’s Songbird ang screenshot ng komento ng basher na may handle name na kimora1976.

Komento ng basher, “@ogiealcasid talaga naman nakakasawa na yung pangit mo pagmumukha sa IG magsama kayo ng balyena mo asawa na walang ginawa kundi magtitili sa TV masakit na sa tenga yung boses pweeeeeee nasaktan ka kasi totoo magsama kayo chaka unano at balyenang laos.”

Sa caption ni Regine, she cited na ito ang dahilan kung bakit may mga celebrities na nagde-deactivate ng account.

“This is so sad now I understand why there are celebrities who deactivate their social media accounts. There are so many ‘mean’ people out there who wish ill on anyone who experience the simple joys in life.

“I feel sad for you. Again if you do not like us unfollow and daling gawin hindi hindi mo na kami makikita sa feed mo. God bless,” ang caption ni Songbird.

At least ay pinairal pa rin ni Regine ang pagiging cool niya dahil kung iba ‘yan, sa tindi ng sinabi ng hater, baka talagang nakipag-away na nang bonggang bongga.

Bakit nga ba naman itong mga netizen na ito, kasiyahan na yata nila ang makapanakit ng damdamin ng ibang tao.