HAVEY: Nang makausap namin ang mahusay at napaka-busy na box office director na si Dan Villegas noong Sabado sa storycon ng kanyang bagong pelikula na Ilawod­ base sa konsepto ng kanyang minamahal na si Antonette Jadaone at sa panulat ng Palanca award winning writer na si Yvette Tan, sinabi niya na nagtiyap-tiyap lang ang lahat ng elemento para matuloy ang natu­rang pelikula.

Naging busy kasi si Direk Dan dahil after How To Be Yours with Bea Alonzo at Gerald Anderson, pinull out sandali siya from the taping of his teleserye Because You Love Me para mag-2nd unit director sa shoot sa Greece para sa Till I Met You.

Pagbalik dito, akala ni Direk Dan ay tuluy-tuloy na ang taping nila.

Nagkaproblema kasi sila sa lead actress nila na hindi raw makayanan ang requirement na paglangoy gayung tungkol sa buhay ng triathlete ang kuwento.

Puwede raw i-adjust ang istorya para i-limit na ang napaka-rigorous na physical requirements ng teleserye kung mananatili sa project ang leading lady — pero that somehow defeats the purpose.

Mukhang papalitan na ang leading lady.

And that explains why this leading lady was ­allowed to shoot a movie with a popular actor outside the country.

Malamang, tsugi na pala siya sa kanyang teleserye.

Sayang naman.

How will this impact on the career of this seemingly newbie na leading lady na parang tinimbang siya ngunit kulang?

Positive thinking na lang.

Puwede na lang siyang tumawag sa lahat ng SANTOS sa langit para siya’y kasihan.

YEN ang dapat, di ba?!

***

WALEY: Isang hindi inaasahang reunion ang naganap sa amin ng dati kong talent na si Ate Glow (Reneboy Facunla sa tunay na buhay, na tinulungan ko sa showbiz pagkatapos ng successful niyang Live AIDS sa UP Samaskom).

John Hampshire at Ate Glow
John Hampshire at Ate Glow

Ang Reneboy ngayon, hindi lang Renegirl — siya na si Renee Hampshire dahil ikinasal siya sa kanyang boyfriend of 18 months na isang Briton na si John Hampshire.

Nandito si Renee para ayusin ang kanyang UK couple settlement visa.

Ibig sabihin, kinikilala na siya talaga na tunay na kasal sa isang Briton.

Pangako ni Renee na ipapakilala niya kami sa kanyang asawa sa aming pagbisita sa London sa katapusan ng buwan.

Ipapakita rin niya sa atin ang kanilang tirahan at buhay roon.

Bilang pahapyaw, tinanong ko si Renee kung nire-require siya ng asawa niya na magpa-sex change.

Ang sabi niya, “‘Yan naman ang maganda sa asawa ko, Sir. Nag-research din siya sa health risk at sa impact sa akin, hindi lang physically kundi psychologically ng pagpapa-sex change. “Natatakot din po kasi ako, eh. Buti na lang. Sabi ng asawa ko, susuportahan niya kung ano man ang desisyon ko sa katawan ko.

“Anuman ang mangyari, tuloy naman ang ligaya.”

Sa ganda ng kuwento ni Renee, hindi ako magugulat kung ma-feature sa drama show ang kanyang bagong buhay.

Saan sa tingin ninyo siya mas bagay — sa Maalaala Mo Kaya o sa Magpakailanman?

At sino kaya ang bagay na gumanap sa kuwento ng kanyang buhay?

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

One Response