Sasabak ang 3:16 Talent na si Leandrea Batingan sa Miss Teen Universal pageant na gaganapin sa Bali, Indonesia sa November 27.
Ang coronation night naman ay idaraos sa December 3.
Dati nang naging kandidato ng Ms. Earth Philippines 2018 si Leandrea pero sinamang-palad na hindi siya nagwagi.
Gayunpaman, hindi nawawalan ng loob si Leandrea dahil naniniwala siyang tulad ng dating Ms. Universe na si Pia Wurtzbach, hindi hadlang ang minsang pagkatalo para makamit ang kanyang pangarap na maging beauty queen.
18 years old si Leandra at kasalukuyang nag-aaral ­bilang Grade 12 sa College of St. Anthony’s sa San Jose del Monte, Bulacan.
Bukod sa singing at dancing, may talento rin sa pag-arte si Leandrea dahil nag-enroll siya sa acting workshop sa PETA.
Isang environmental advocate si Leandrea at balak din niyang sumali sa Bb. Pilipinas sa hinaharap.
Suportado si Leandrea ng kanyang mga kapwa ta­lent ng 3:16 Talents and Events ni Len Carrillo tulad ng Belladonas at maging ng fast-rising boyband na Clique V na mina-manage rin ng naturang talent management agency.