Least talented actor si Jake Gyllenhaal –Drew Barrymore

May hawak na a­po­logy sign ang aktres na si Drew Barrymore nang dumalo siya sa premiere ng Santa Clarita Diet kung saan nakasulat-kamay niya ang ‘I Heart Jake Gyllenhaal’. Nasa­bihan kasi ni Drew na ‘least talented co-star’ ang actor nang tanungin siya sa Late Late Show ni James Corden.

Nabanggit noon ni Drew sa Spill Your Guts o Fill Your Guts game kung ano ang ranking niya sa mga co-star na sina Hugh Grant, Adam Sandler at Gyllenhaal bilang talent kung hindi ay kakain raw siya ng turkey testicle. Si Jake raw ay least talented co-star. “I just didn’t want to eat a turkey testicle,” sambit ni Barrymore.

Headlines ang sinabi ng aktres na ayaw niyang kumain ng turkey testicle kung saan ang sagot niya ay patungkol sa kapasidad ni Jake bilang actor. Nag-public apology si Drew kay Jake, pero wala naman daw komento ang actor hinggil sa kanyang sinabi.

Sabi ni Drew sa E! News reporter na si Will Marfuggi, “What started out as a turkey testicle joke went to full headlines, so I’m here going, I love you Jake.” Nabanggit din ng reporter ang tungkol sa dating app, Raya, kung saan naging controversial ito nang siya ay nasa The Ellen DeGeneres Show.

Ani Drew: “I’m not opposed to dating apps. I tried it and it was as damaging as something could ever be.” Hinding-hindi na raw niya babalikan ang bagay na ‘yun dahil nakakahiya. “She’s definitely a never say never person.”

Hinggil naman sa pakikipag-deal at siya’y na-reject, sinabi ng aktres na isa lang daw ang katapat nu’n.. humor. “I think the best antidote to rejection or humiliation is humor, no question,” pagtatapos ng aktres.